Crime

Guro, asawa pinagbabaril patay

November 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 251 views

PATAY ang isang teacher at kanyang asawa nang tadtarin ng bala ng hindi nakilalang salarin noong Huwebes sa Banisilan, Cotabato.

Nakilala ang mga napatay na sina Juanito Romaguero Jr. at asawang si Angelie Romaguero, elementary school teacher.

Ayon sa Bansilan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa bulubunduking lugar ng Banisilan.

Sakay ang mag-asawa ng kanilang tricycle papunta sa Pantar Elementary School nang harangin ng suspect sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala.

Dead-on-the-spot si Juanito habang sa ospital na namatay ang teacher.

Kinondena ng Cotabato Schools Division ang pagpatay at hiniling sa pulisya na tutukan ang imbestigasyon upang maaresto ang mga salarin.