TVJ

‘Gulo’ sa ‘Eat Bulaga’ nakakatulong sa programa

March 16, 2023 Aster Amoyo 555 views

JalosjosMAGPAPATAWAG umano ng press conference ngayong Abril ang isa sa mga anak ng retired politician at chairman ng TAPE, Inc., producer ng top-rating and longest-running noontime show in the land (and in the world), ang “Eat Bulaga” na si Dapitan City Mayor Seth Frederick `Bullet” Jalosjos.

Si Mayor Bullet ay anak ng dating kongresistang si Romeo `Romy’ Jalosjos sa singer at dating recording artist na si Lourna Pal.

Marami na ang nasulat at naibalita na may kinalaman sa mga pagbabagong mangyayari sa “Eat Bulaga” at malalaman lamang ang ang totoo kapag naganap na ang nasabing presscon at mapapanood din naman ang mga pagbabago sa programa in the days to come.

While there will be some changes, mananatili umano sa programa ang tatlong poste na sina Tito, Vic & Joey along with the rest of cast.

In a way, malaking tulong ang kontrobersiyasa “Eat Bulaga” dahi lpatuloy na pinag-uusapan ang noontime show hanggang ngayon at marami ang curious na panoorin lalo ang programa.

Jayda at Aljon susunod na magiging mainit

JaydaSINA Jayda Avanzado at Aljon Mendoza na nga kaya ang susunod na magiging mainit na loveteam sa bakuran ng ABS-CBN?

The singer-songwriter and the only child of celebrity couple Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza is headed to become a star just like his equally popular parents during their time.

Ang loveteam nina Jayda at Aljon ay masusubukan sa kanyang launching project together, ang “Teen Clash” series ng iWant TFC na siya ring naglunsad ng hot team-up ngayon ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pamamagitan ng “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng season 2.

Si Aljon ang magiging escort ni Jayda sa darating na Star Magic Prom Night at malamang na maging dahilan ito ng lalo pang pagiging extra close ng dalawa na nagsimula sa taping ng “Teen Clash” na tinatampukan din nina Markus Paterson, Zach Castaneda, Luke Alford at Bianca Rivera.

The romance-comedy series ay nakatakdang mapanood simula ngayong Friday, March 17 and every Friday thereafter.

Lotlot at Monching magkaibigan kahit hiwalay

Lotlot1LotlotMATAGAL nang hiwalay ang dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher at may kani-kanya nang buhay ngayon. Si Lotlot ay kasal na sa kanyang Lebanese businessman second husband na si Fady El Soury nun pang December 17, 2018 sa San Juan, Batangas habang si Monching (Christopher) ay nanatiling single hanggang ngayon kasama ang kanyang tatlo sa apat na anak sa aktres. Ang panganay nilang anak, ang aktres na si Janine Gutierrez ay living independently na.

Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatiling magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang apat na anak. Bukod kina Janine at Diego na pareho nang nasa showbiz, nariyan pa ang mgakapatid nilang sina Jessica at Maxene..

After their separation in 2010, first time na magkatrabaho sina Lotlot at Monching sa bagong serye ng Kapuso network in partnership with the streaming service na Viu Philippines, ang “The Write One”. Tampok ditto ang tatlong `loveteam”– ang magkasintahang Ruru Madrid ata Bianca Umali, reel and real sweethearts na sina Paul Salas at Mikee Quintos at ang former couple na sina Lotlot at Monching. Ito’y pinamamahalaan ni King Marc Baco.

Kuh may concert sa sariling resort

LedesmaLedesma1MATAPOS ang pandemic, bukas na muli sa publiko ang Hacienda Isabella in Indang, Cavite na pag-aari ng music icon na si Kuh Ledesma, named after her only daughter na si Isabella Gonzalez. Ito ay napakagandang destination resort, bakasyunan, events place, team building venue and even for concerts.

Sa darating na March 18 at 8 p.m., isang birthday dinner concert ni Kuh ang nakatakdang ganapin sa Hacienda Isabella na pinamagatang “A Kuh Ledesma Getaway Party” kung saan makakasama as special guests ang kanyang unica hija na si Isabella at ang Canada based-singer-turned Evangelist na si Ray-An Fuentes who lost his wife, singer Mei-Ling to Covid-19 coronavirus in early December of 2020.

Kuh’s actual birthday is on March 16 butd moved her birthday concert to March 18, Saturday. Dinner will be served at 6 p.m. habang ang show ay magsisimula ng 8 p.m.

Kagagaling lang din ni Kuh sa kanyang successful concert tour in the US kung saan niya nakasama sina Pops Fernandez at Jaya.

Kuh is an advocate ng animal welfare, mental health and spreading God’s words.

Kyline at Mavy umaarangkada na

MavyANG isa pang inaasahang aarangkada ay ang loveteam nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi na muling magtatambal sa upcoming TV series na “Zero Kilometers Away”.

Walang alinlangan na malakas ang chemistry nila at marami rin ang naniniwala na may ugnayan na ang dalawa.

Masaya siyempre ang celebrity parents ni Mavy na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel para sa twin brother ni Cassy na gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan and is said to be in a relationship with Kapamilya young singer-actor na si Darren Espanto.

Pelikula ni Nathalie palabas na

NathalieNathalie1PALABAS na sa mga sinehan simula March 15 ang pelikulang “Kunwari Mahal Kita” na pinamahalaan ni Roderick Lindayag under Viva Films at tinampukan nina Ryza Cenon, Joseph Marco at Nathalie Hart.

Nathalie is back in showbiz matapos niyang isilang in Sydney, Australia ang kanyang four-year-old daughter na ngayon na si Penelope sa kanyang ex-boyfriend, ang Indian businessman na si Mayank Sharma.

The actress is now engaged to her foreigner fiancé na si Brad Robert pero hindi pa ito nagsi-share kung kelan magaganap ang kanilang kasal.

Bukod sa kanyang showbiz career, Nathalie is also an entrepreneur of organic products.

SUBSCRIBE, like, share and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE