Frasco

Groundbreaking ng family business pinangunahan ni Rep. Frasco

April 18, 2024 Mar Rodriguez 77 views

FAMILY business naman ang inasikaso ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ng pangunahan niya ang groundbreaking para sa ipapatayong bagong “Titay’s Factory” na walang kapantay sa pag produce ng patok na patok na rosquillos.

Ayon kay Frasco, umabot na sa pang-apat na henerasyon ang kanilang 117-year family business na biscuit na ipinangalan sa kanilang great grandmother na si Margarita “Titay” Frasco.

Sa sobrang iconic, mas kilala pa dati ang Liloan sa rosquillos o ringlet sa Spanish kaysa sa lugar.

Sinabi ni Frasco na pinagtitibay lamang nito ang kanilang “commitment” na maipagpatuloy ang legacy ng kanilang family business sa loob ng mahigit 100 taon.

“For four generations since 1907 when our great grandmother Margarita “Titay” Frasco baked the first rosquillos here in Liloan, Titay’s has become a staple in homes everywhere in Cebu and in the country.

Bringing us back to the simpler days of childhood where so much joy could be had,” sabi ni Frasco.

Ipinabatid ni Frasco na malayu-layo na ang nilakbay ng kanilang family business sapagkat naipasa na ang kanilang negosyo mula sa isang henerasyon tungo sa isa pang henerasyon sa loob ng pamilya Frasco.

Habang ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay ay bahagi narin ng kanilang kasaysayan.

 

AUTHOR PROFILE