PAGASA

Goring nanghina na; 9 lalawigan signal no. 1

August 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 183 views

NANANATILI pa rin sa signal no.1 ang siyam na lugar sa bansa kahit humina na ang bagyong Going habang kumikilos palabas sa karagatan ng Pilipinas.

Sa update ng PAGASA dakong 11:00 ng tanghali, nananatili sa signal no.1 ang Batanes,Babuyan Islands, Northern at eastern portion ng Cagayan na kinabibilangan ng mga bayan ng Camalaniugan, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala); silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan); northern at central part ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Dipaculao, Maria Aurora, San Luis) Polillo Islands; northern at eastern part ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes) kabilang ang Calaguas Islands; northeastern part ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan); at northern part ng Catanduanes (Panganiban, Caramoran, Viga, Bagamanoc, Pandan).

Ayon sa PAGASA, makararanas ang naturang lugar ng pag-uulan at malakas na hangin partikular na sa mga nasa tabing dagat.

Inaasahan pa ring magdadala ng ulan ang habagat sa western portion ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Namataan ang mata ng bagyong Goring sa 245 kilometers east-northeast ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ang bagyo pa-north-northeastward sa bilis ng 15 kilometro bawat oras at may dalang lakas ng hangin na 155 kilometro bawat oras malapi sa gitna at pabugso bugsong hangin na aabot sa 190 km/h.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of Responsibility o PAR si Goring sa Huwebes at daraan sa Taiwan strait bago mag-landfall sa southern china sa Biyernes ng gabi.