Servo

Go Negosyo centers malapit na sa Manila

September 17, 2023 Edd Reyes 217 views

IPINAHAYAG ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagpapasa ng resolusyon na magpapahintulot kay Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na pumasok sa isang kasunduan sa Department of Trade and Industry-National Capital Region Office (DTI-NCRPO) para sa pagtatatag ng “Go Negosyo Center” sa Manila City Hall.

Sinabi ni Nieto na makakatulong ang Go Negosyo Center na itatatag sa Maynila sa mga dati at mga nagnanais pang mag-negosyo at mamuhunan.

Makakatulong ang proyekto sa lahat ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa Maynila sa oras na mapasimulan.

Makakatulong din ang Go Negosyo para bigyang-diin ang kahalagahan ng Barangay Micro Business Enterprises Act of 2002.

Kabilang din sa proyekto ang data-sharing scheme sa ilalim ng data bank. Ang data bank ang magsisilbing pagmumulan ng impormasyon at serbisyo na kinakailangan para sa pagmo-monitor ng proyekto, pananaliksik at pag-aaral ng panuntunan na mahalaga sa mga nagnanais at umiiral ng negosyo at mamuhunan.

Alinsunod na rin sa Republic Act No. 9178 o ang “Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act of 2002” ang naturang resolusyon na inakda ni Councilor Raymondo Yupangco ng ika-5 distrito ng Maynila.

AUTHOR PROFILE