Kulong

Shabu suspek nag-birthday sa selda

September 17, 2023 Edd Reyes 361 views

SA selda idinaos ng isang 33-anyos na suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga ang magarbo niyang kaarawan nang madakip ng pulisya sa buy-bust Sabado ng hapon sa Paranaque City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, may 100 gramo pa ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang ibebenta pa sana ng suspek.

Gagamitin sana ng suspek sa bonggang-bonggang pagdaraos ng kanyang birthday sa Setyembre 17 ang kikitain pero nasakote siya dakong alas-4:20 ng hapon sa Filipinas Avenue, UPS-5, Brgy. San Isidro ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Paranaque police.

Nakuha sa suspek ang P1,000 markadong salapi na ibinayad sa kanya ng pulis kapalit ng isang medium size na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Sa ulat ni P/BGen. Mariano kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., maykakahayang magbenta ng malaking bulto ng ilegal na droga ang suspek.

AUTHOR PROFILE