Gary

Gary babalik sa pag-arte

April 19, 2024 Aster Amoyo 513 views

Gary1MATAPOS lumagda ng co-management contract with Star Magic ng ABS-CBN ang award-winning OPM icon na si Gary Valenciano who is currently celebrating his 40th year in the industry, inaasahan ang kanyang pagbabalik sa acting na matagal-tagal ding panahong hindi niya ginawa after doing 17 movies and several TV series in the past.

Kung matatandaan pa, Gary V. did “Hotshots” in 1984 na sinundan pa ng ilang pelikula including “Di Bale Na Lang,” “Maria Went To Town,” “Ibulong Mo Sa

Diyos,” “Natutulog Ba Ang Diyos,” “Kung Tapos Na Ang Kailanman,” “Hataw Na” at iba pa. Naging bahagi rin siya ng ilang TV serieson ABS-CBN tulad ng “Ikaw Lang Ang Mamahalan,” “My Bukas Pa” among others.

Although he will still continue performing for smaller venues, this time, gusto namang bigyan ni Gary V. ang kanyang acting career ng panahon which took the backseat nang mag-focus siya sa kanyang singing and performing career for the last four decades.

Si Gary V. ay lumagda ng co-management contract with the talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic last April 16, 2024 na ginanap sa Dolphy Theater. Ito’y dinaluhan ng COO ng kumpanya na si Cory Vidanes, head ng Star Magic na si Laurenti Dyogi, Gary V’s wife and co-manager Angeli Pangilinan-Valenciano and Star Magic talent manager Alan Real.

Half of Gary V’s career ay nasa bakuran siya ng Kapamilya network bilang bahagi ng top-rating and longest-running musical variety show, ang “ASAP” which was rebranded to “ASAP Natin `To” at kung saan siya kabilang for the last 20 years.

This early ay meron na umanong mga proyektong sisimulan si Gary V. sa bakuran ng ABS-CBN na hindi pa masabi kung ito’y pelikula o teleserye kaya excited na ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano sa bagong chapter na ito ng kanyang karera.

Ladine bumalik sa recording

SaturnoSaturno1NAPAKAGANDA ng awiting “Within” na kinompos ng award-winning veteran songwriter, composer and hitmaker na si Vehnee Saturno at binigyang-buhay ng comebacking singer-performer at songwriter na si Ladine Roxas at ang R&B Prince at songwriter na si Kris Lawrence na kinanta ng dalawa sa launch ng nasabing awitin na ginanap sa Music Box in Quezon City nung nakaraang Huwebes ng hapon.

Listening to the song made us wonder kung bakit matagal na panahong nanahimik si Ladine sa kanyang singing career dahil mas nag-focus siya sa pagiging managing director ng The Vehnee Saturno Music Training Center where she’s also the music coach. She’s also managing the artists under The Saturno Music Production label.

Ladine was Voice of Asia singing competition grand winner nung 2001 na ginanap sa Kazakhstan. Her debut album na pinamagatang “How Can I Make You Love Me” was released by London-based Candid Records. Apat na songs in the said album ay sariling komposisyon ni Ladine at may contribution din ang ibang songwriters including Carl Dimataga from Australia at Stefanio Musitano from Sweden.

Her self-titled album na “Ladine Roxas” was under Viva and Star Records.

Coaching young talents achieve their dreams ay nagbibigay ng kakaibang joy and fulfillment kay Ladine thereby sacrificing her own singing career. But not long ago, bigla umano niyang na-miss ang singing and performing kaya kinausap niya ang kanyang longtime partner na si Vehnee Saturno na gusto niyang balikan ang kanyang singing career and recording.

After “Within, ” she wants to record more songs in the future and collaborate with other artists as well. Bukod sa pagiging singer-peformer, songwriter, voice coach at pamamahala ng The Vehnee Saturno Music Training Center and The Saturno Music Production, Ladine also conceptualizes, directs and line produces live concerts and shows which make her busy.

Samantala, si Vehnee Saturno ang nasa likod ng napakaraming hit songs na nagpasikat sa maraming singers, recording stars and artists tulad nina Martin Nievera with his “Be My Lady,” Donna Cruz’ “Only Me and You,” “Jessa Zaragoza’s “Bakit Pa,” Jaya’s “Dahil Tanging Ikaw,” Louie Heredia’s “Nag-iisang Ikaw,” “Randy Rachel Alendro’s “Mr. Kupido,” Ariel Rivera’s “Sana Kahit Minsan,” Sarah Geronimo’s “Forever’s Not Enough,” Darrn Espanto’s “In Love Ako sa `Yo,” Jay-R’s “Bakit Pa Ba,” Regine Velasquez’ “Isang Lahi,” Rachel Ann Go’s “I Can” at napakarami pang iba.

Vehnee met Ladine in Hong Kong while she was performing in a lounge ng isang kilalang hotel. Muli silang nagkita nang bumalik ng Pilipinas ang singer-performer. Sobra umanong matiyaga si Vehnee sa kanyang panliligaw kay Ladine sa kabila na kanya itong iniiwasan dahil takot umano siya sa veteran songwriter and composer. Pero hindi umano tinantanan ni Vehnee si Ladine hanggang maging sila. The couple got married in the US at pareho na rin silang greencard holder. Twenty years na rin ang pagsasama ng mag-asawa and Ladine is in good terms sa mga anak ni Vehnee sa ibang babae.

Sinubukan ng mag-asawa na manirahan sa Amerika but after three months ay nag-desisyon silang bumalik ng Pilipinas.

Kathryn pinag-aagawan, Alden nakalalamang

KathdenHINDI maikakaila na maraming qualified single men (in and out of showbiz) ang nabuhayan ng loob nang maging single muli ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo (28) matapos itong mahiwalay sa kanyang longtime boyfriend, ang Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla na kapwa kinumpirma ng dalawa nung nakaraang November 30, 2023. Eleven years tumagal ang relasyon ng dalawa na inakala ng marami na mauuwi sa altar.

May lumalabas na balita na ang Kapuso prized actor na si Alden Richards ang pinakamalapit ngayon kay Kathryn lalupa’t may pelikula silang pinagsamahan nung 2019, ang record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” at magkakaroon sila ng reunion movie. Nariyan din si Jericho Rosales na hiwalay na sa kanyang asawang si Kim Jones at lumabas din sa listahan ang pangalan ng ka-loveteam ni Belle Mariano na si Donny Pangilinan.

Samantala, hindi naman kaya magtampo kay Donny ang DonBelle fans nang malaman nilang sinubukan nitong manligaw kay Kathryn?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE