Gabby

Gabby, nangunang mag-congratulate kay KC para sa award ng Hollywood movie

September 26, 2023 Vinia Vivar 330 views

Super happy si KC Concepcion na nakatanggap ng award ang Hollywood film niyang Asian Persuasion mula sa Soho International Film Festival sa New York.

Nakamit ng movie ang Audience Choice Award for full-length picture sa katatapos na international filmfest.

Ipinost mismo ni KC sa Instagram ang magandang balita.

“Out of over 100 film entries at the @sohofilmfest, Asian Persuasion won the AUDIENCE CHOICE AWARD for full-length feature! Ang saya Congratulations to our director, and three-time Tony Award winning producer @jhett.tolentino — and big love to the entire production!” pahayag ng nag-iisang anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Inulan naman ng katakut-takot na pagbati si KC mula sa kanyang fans at kapwa-artista, bukod pa nga sa kanyang ama.

Nangunguna ang pagbati ni Gabby na “congratulations my baby girl.”

AUTHOR PROFILE