Francine

Francine at Seth posibleng magkatuluyan

July 3, 2022 Aster Amoyo 381 views

NGAYONG open na si Andrea Brillantes (19) sa pagkakaroon ng boyfriend, ang basketball player na si Ricci Rivero (24), hindi imposibleng magka-develop-an sina Francine Diaz (19) at ang dating ka-loveteam at boyfriend ni Andrea na si Seth Fedelin (turning 20 ngayong July 9).

Sina Francine at Seth ay naging bahagi ng “Gold Squad” ng ABS-CBN kasama sina Andrea at Kyle Echarri. Sina Francine at Kyle ang dating magka-loveteam habang sina Andrea at Seth naman na nauwi pa sa kanilang pagiging magkasintahan sa loob ng dalawang taon pero nauwi rin sa hiwalayan.

Sina Francine at Seth ang pinagtambal ngayon ng ABS-CBN sa bagong seryeng “Dirty Linen” kung saan tampok ding mga bituin sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo, kasama sina John Arcilla, Joel Torre, Jennica Garcia, Tessie Tomas at iba pa.

Bukod sa naturang serye, sina Francine at Seth din ang tampok sa music video ng Sony Music Philippines’ recording artist na si Ace Banzuelo para sa awiting “Muli”.

Chito

Chito super proud kay Neri

HINDI man aktibo sa kanyang showbiz career ang actress na si Neri Naig-Miranda, sobra naman itong busy.

Bukod sa pagiging housewife ng Parokya ni Edgar frontman at isasa mga hurado ng “Idol Philippines” Season 2 na si Chito Miranda, pagiging ina ng kanilang dalawang anak na sina Miggy, 5, at Pia who is turning one year old sa darating na December 13 at pamamahala sa kanyang iba’t ibang negosyo, naisingit pa rin ni Neri ang pag-aaral.

Kamakailan lamang ay nagtapos si Neri ng Business Administration course sa University of Baguio at age 36.

Kaya naman super proud sa kanya ang mister na si Chito.

Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang husband dahil sa pagiging supportive nito sa lahat ng aspeto.

Ilan sa mga negosyong pinasok ni Neri ay ang gourmet tuyo, Tea Talk Shop, sleepwear line, wedding gowns and fashion accessories, rest house and cottage for rent, farm at ilan pang investments na ang pinaka-latest ay ang nabili niyang property in Baguio.

Kahit limang taong gulang pa lamang ang kanilang panganay na si Miggy ay nabilhan na ito ni Neri ng sarili niyang condominium unit na malamang parentahan muna nilang mag-asawa.

Sa kaarawan ng kanyang husband na si Chito ay niregaluhan ito ng actress-businessman ng isang yacht.

Ganoon na kayaman ngayon si Neri na sobrang madiskarte sa buhay.

Sa darating na December 13 ay ise-celebrate ng mag-asawang Neri at Chito ang kanilang ika-walong anibersaryo bilang mag-asawa. Kung hindi nagka-miscarriage si Neri nung August 2015 ay tatlo na sana ang kanilang anak.

JuliusJulius1Julius2

Julius at Tintin dumaan din sa pagsubok

SA darating na December 8, 2022 ay ise-celebrate ng celebrity couple na sina Julius Babao (54) at Christine `Tintin’ Bersola-Babao ang kanilang 19th wedding anniversary. The couple is blessed with two beautiful kids na sina Anya (17) at Nio (12).

Looking back, si Mel Tiangco noong nasa TV Patrol pa ito ang nagsimulang manukso na “bagay kayong dalawa” kina Julius at Tintin. Nakitukso rin ang isa sa mga original anchor ng news program ng ABS-CBN na si Kabayan Noli de Castro.

But at that time ay hindi nila ito gaanong pinansin dahil committed pa sila noon sa ibang karelasyon. Nag-iba ang takbo ng lahat nang magsama sila sa “Alas Singko y Medya,” ang daily early morning program ng Kapamilya Network. Ang araw-araw nilang pagsasama ay siya ring naging daan para magkaroon sila ng relasyon.

But there was a time na kamuntik mauwi sila sa hiwalayan.

Sumailalim ng three-day retreat in Tagaytay si Tintin at sa last day nito ay si Julius ang unang tumawag sa kanya.

Ang isa pang pagsubok sa kanilang relasyon ay nang lumipad si Tintin patungong New York at sinabi nitong kung susundan siya roon ni Julius ay nangangahulugan na sila’y para sa isa’t isa. Dahil mahal ni Julius si Tintin, ito’y kanyang sinundan at doon na nabuo ang plano nilang pagpapakasal.

December 8, 2003 ay ikinasal ang dalawa sa San Antonio de Padua Sub-Parish Church in Antipolo City. Magmula noon ay tuluy-tuloy ang pagiging matatag ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa laluna nang dumating sa kanilang buhay ang kanilang dalawang anak na sina Anya at Nio.

Sina Julius at Tintin ay parehong nagtapos ng Communication Arts sa University of the Philippines sa magkaibang taon. Sa GMA nagsimula si Julius, pero sa bakuran ng ABS-CBN sila pinagtagpo ng tadhana.

Ang celebrity couple ay parehong nasa bakuran na ngayon ng TV-5.

Angeline gustong makilala ang tatlong anak ng partner

INI-ENJOY ng singer-actress at celebrity vlogger na si Angeline Quinto ang pagiging ina sa kanyang first baby na si Sylvio (na isinilang last April 27, 2022 via Caesarian) sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Gusto ni Angeline na makilala ang tatlong anak na babae ng kanyang partner sa dati nitong mga naka-relasyon para ipakilala ang kanyang anak sa tatlong half-sisters nito.

Samantala, pinasok na rin ng singer-actress ang pagiging isang entrepreneur dahil last June 15 ay ni-launch ang kanyang Twinkle Skin baby products line na ginanap sa Dusit Thani Hotel in Makati City.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE