4hearts

‘Four Hearts,’ Unexpected blessing para kay Katrina

August 7, 2021 Ian F. Fariñas 340 views

MALAKI ang pasasalamat ng tinaguriang “Suklay Diva” na si Katrina Velarde sa Viva Live dahil sa pagkakataong makapag-perform sa isang virtual concert, Four Hearts, kasama ang mga kaibigang sina Daryl Ong, Janine Teñoso at Sam Concepcion.

Sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano, mapapanood ang Four Hearts sa August 28, 8 p.m., sa ktx (Philippine audiences) at iWantTFC at TFC IPT (for audiences on other territories).

Sa Zoomcon para sa digital concert, sinabi ni Katrina na, “This is an unexpected blessing for me. Dahil sa pandemic, nawala ’yung aking bread and butter, which is singing. Tapos nawalan din kami ng chance kumanta in public. So it’s good that Viva gave us Four Hearts, kahit na virtual concert siya.”

Nagkatrabaho na sina Katrina at Sam bilang jurors sa katatapos na Viva TV show na Born to be a Star sa TV5 habang si Daryl naman ay madalas niyang maka-collab sa ilang YouTube videos kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Bugoy at Michael Pangilinan.

Ito ang first time na magkakatrabaho ang apat sa iisang concert stage at para kay Katrina, mas challenging ito dahil nga apat silang magpe-perform sa iisang concert.

Aniya pa, “I am happy to get to work with Sam, Janine and Darryl kasi I admire their passion for music, which can really affect us in many ways, like it can inspire us and encourage lalo na ngayong we live in uncertain times.

Sa ngayon, tiwala na lang at pananampalataya ang dapat panghawakan ng lahat hanggang makaraos sa krisis na dinaranas ng lahat sa buong mundo.

“Dapat talaga, kumapit lang tayo sa ating faith na babalik din ang lahat sa dati. Huwag tayong bibitaw at dagdagan lang natin ang dasal,” paalala ni Katrina.

AUTHOR PROFILE