Vilmaluis

Ate Vi, walang definite plan sa pulitika

August 7, 2021 Ian F. Fariñas 384 views

HALOS isang oras tumakbo ang Facebook/Instagram Live ng mag-inang Rep. Vilma Santos-Recto at Luis Manzano nu’ng Biyernes ng gabi at umabot ng libu-libo ang viewers na aliw na aliw sa sagutan at kulitan nila.

Ayon kay Ate Vi, first time niyang mag-FB/IG Live dahil hindi siya techie ’di gaya ni Luis na kasamang nag-i-stay ang misis na si Jessy Mendiola sa Alabang house ng mga Recto ngayong enhanced community quarantine (ECQ).

Sa isang portion, sinabi ni Ate Vi na hanggang ngayon ay wala pa siyang definite na plano sa political career although may mga balita ngang hinihimok siyang mag-senadora sa 2022.

Pwede raw siyang kumandidato muli, pwede rin namang mag-retire na lang. Mahirap daw kasi ang magiging takbo ng kampanya, lalo na para sa isang 67-year-old na gaya niya dahil sa Covid-19 pandemic.

“As of now, nothing is final,” anang Star for All Seasons.

As for Luis, na matunog ding nababalita na papasok sa pulitika, sinabi niya na kung sakali mang mag-decide siyang tumakbo, eh, sisiguraduhin niya na magsisilbi siya mula sa puso.

Bago matapos ang video, nakasama rin nina Ate Vi, Luis at Jessy si Ryan Christian na may seven-year relationship pala sa isang non-showbiz girl.

AUTHOR PROFILE