Default Thumbnail

#FightFraudTogether info drive vs cybercrime ilulunsad

August 30, 2021 Edd Reyes 282 views

BILANG pangunahing samahan ng marketing at communication sa pagbabangko, ilulunsad ng Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) ang #FightFraudTogether information campaign upang madagdagan ang kaalaman ng mga konsuymer at maging maingat sila laban sa mga cybercrime at panloloko.

Ang malawakang pandemya ay nagpasigla ng paggamit at pagbayad ng pera online, at ito rin ay nagbunsod ng mga kaso ng cybercrime at panloloko sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan ng scamming, habang lumilipat ang mga konsyumer sa digital transactions kasabay ng pagbabago nila ng mga paraan at nag-iba na rin ang mga panloloko sa online shopping, payments at transactions.

Noong 2020, tumanggap ng halos 20,000 consumer concerns ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kung saan 13% nito ay mga ulat ng unauthorized at fraudulent transactions na may kinalaman sa deposits, credit cards, e-money services at remittances.

Tinatawagan ng pansin ng BMAP ang publiko na maging mapagbantay, sikapin at huwag pakampante pagdating sa cybersecurity. Ang pagsugpo sa mga panloloko ay tungkulin ng mga financial institutions, customers, regulators at industry associations.

“Lalong magbibigay-paalala ang mga bangko upang ang mga kliyente at publiko ay balaan at iwasan ang mga manlolokong ito. Sa ating pagkakaisa, inihahayag natin ang mensahe na malaking usapin ang cybercrime at fraud,” ayon kay BMAP President Mike Villa-Real.

Kinikilala ng BMAP na ang katatagan ng industriya ay maaring mayanig sa isang major cyber-attack. Upang maging ligtas sa cyber-attacks, nagpaalala ang BMAP para maprotektahan ang publiko laban sa mga scamming attempt mula sa mga fraudsters.

Una, suriing mabuti ang kalidad ng natatanggap na mga email, protektahan ang inyong sensitive information at maging mapanuri sa pagbigay ng inyong information online, iwasang mag-panic at maging maingat, lumikha at gumamit ng strong password para sa lahat ng iyong mga account, kung nakompromiso ang iyong bank account o credit card, iulat kaagad ang insidente sa iyong bangko, kapag may duda at ang huli ay iulat at tawagan ang Customer Service Hotline o Fraud Department Hotline ng inyong bangko.

AUTHOR PROFILE