Carillo

Fernando Carrillo nasa bansa muli

June 9, 2023 Aster Amoyo 321 views

UNANG bisita ng Venezuelan actor na si Fernando Carillo sa Pilipinas ay noong tanong 2000 dahil sa pagiging popular noon ng Mexican telenovela na Rosalina kunsaan bida si Thalia. Muling bumalik si Carrillo noong 2012 at pumirma pa siya ng kontrata with Viva.

Ngayon ay nasa Pilipinas ulit si Carrillo at natuwa ito na kilala pa rin siya ng maraming Pinoy at tawag pa rin sa kanya ay ang character niya sa Rosalinda na si Fernando Jose.

Sa pag-guest nito sa Fast Talk with Boy Abunda, magpakita ng interes si Carrillo na makatrabaho ang Kapuso actress na si Carla Abellana. Dapat pala ay may proyekto silang gagawin noon pero hindi lang natuloy.

“Carla is an amazing actress. I was so happy because she did Rosalinda here in the Philippines. There was a project and it never happened that we were going to do, maybe a film together. You know, better than I do that everything happens in God’s perfect timing in His precise timing. And I hope that one day I get the chance to work with Carla and with Filipino talent because I think it would be amazing,” sey ni Carrillo.

Bukod kay Carla, gandang-ganda si Carrillo sa mga Pinay beauty queens natin na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss World 2013 Megan Young.

Ayon kay Fernando, nagkita sila ni Pia noong laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Las Vegas noong 2015.

“She’s a good person. I remember I met her there and she was very warm, very nice,” sey ni Carrillo.

Si Megan naman, nakita na ni Fernando sa Kapuso Network, at pareho pa silang naging judge sa Miss World Philippines.

“We sat next to each other. She was very nice. I think she is in love, and she married the person she was in love with, I believe,” sey pa ni Carrillo.

Isinaad ni Fernando na isa siyang “believer” pagdating sa pag-ibig.

“I’m a believer. I believe in love, I believe that’s the best stage of a human being, when you have somebody next to you that accepts you and loves you the way you are,” diin pa ni Carrillo.

Ai Ai nagpaktang suporta sa bagong EB hosts

Aiai1NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”. Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kaniya.

Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng isang tao.

“Kindness is a gift everyone can afford to give,” saad sa naturang quote na may kalakip na caption para kay Betong.

Ayon sa Concert Comedy Queen, tila malungkot si Betong sa Tiktok post nito kaya pinayuhan niya ang kapwa niya komedyante na maging matibay at patuloy na magdasal.

“Mabait kang tao, marespeto sa senior sa ‘yo… isa ka sa mabait na artist na nakilala ko. Dasal lang at tibayan mo ang loob mo. pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –or any other place you see, you feel that dancing fantasy na hindi tayo nag kakamali sa phrasing,” sey ni Ai-Ai.

Sumagot naman at nagpasalamat si Betong sa mensahe ng suporta mula kay Ai-Ai.

“Sobra naman akong natouch sa post nyo. Ty po sa encouragement at support nyo. Natawa tuloy ako sa “New York, Rio, Tokyo” natin,” sey ni Betong.

Miss na raw ni Betong ang aktres at hangad niyang makatrabaho itong muli at makanta nila nang maayos at tama ang “New York, Rio, Tokyo.”

Yasser inaming nanliligaw kay Kate

HINDI nag-deny si Yasser Marta tungkol sa panliligaw nito sa Kapuso actress na si Kate Valdez.

Nang tanungin ang Kapuso hunk kung sila na ba ni Kate, diretsahang sinabi nito na “hindi pa.”

Ayon kay Yasser: “Nanliligaw po ako sa kanya. Pero mas nandu’n kami sa ine-enjoy lang namin ‘yung companionship ng bawat isa.”

May naging usapan din umano sila ni Kate na hindi nila magmamadali pagdating sa kanilang ugnayan.

“Tsaka ayaw din naming madaliin. Mas maganda ‘yung may nabi-build kayong foundation,” sey pa ni Yasser.

Aware din daw si Yasser na malapit din si Kate sa Kapuso actor na si Kelvin Miranda. Magkaibigan naman daw sila ni Kelvin at bilang mga lalake, may respeto sila sa isa’t isa, lalo na kung meron silang nililigawan.

AUTHOR PROFILE