Diego

Teresa, proud lola kay ‘Pochola’

June 8, 2023 Ian F. Fariñas 259 views

PROUD lola ang peg ni Teresa Loyzaga sa ipinost na litrato ni Diego Loyzaga sa Instagram kung saan karga niya ang isang sanggol.

Sa caption, “The best birthday gift ever” ang nilagay ng aktor, na kaka-28 years old noong May 21.

Reaksyon ni Teresa, “Yahoooo! Glam-Ma in the house!!! Mwah! Love u anak @diegoloyzaga ! Love you my ‘Pochola’!” sabay lagay ng tatlong heart emojis.

Pahulaan pa sa netizens ang gender ng baby at kung sino ang ina ng sinasabing panganay ni Diego.

Pero may bali-balita na isa itong non-showbiz at dating kaibigan ng aktor.

Bukod kay Teresa, bumati rin sa bagong daddy ang celebrity-friends niya gaya nina Billy at Coleen Crawford, Dominic Roque, Sunshine Cruz, atbp.

AUTHOR PROFILE