Parak

Ex-parak wanted sa rape ng minor, huli ng PNP-IMEG

April 7, 2024 Alfred P. Dalizon 80 views

ISANG retiradong miyembro ng Pambansang Pulisya na wanted sa kasons child rape and abuse ang dinakip ng mga kagawad ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa Tarlac City noong Huwebes.

Ang 47-anyos na suspek na nagretiro na may ranggong Police Senior Master Sergeant ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest para sa three counts of rape at five counts of acts of lasciviousness sa ilalim ng Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sinabi ni PNP-IMEG director, Brigadier General Warren F. De Leon.

Ayon sa opisyal, mga miyembro ng IMEG Luzon Field Unit na pinamumunuan ni Colonel Joseph Fajardo, sa tulong ng local na pulisya ang umaresto sa akusado sa Barangay Caranguian sa Tarlac City dakong alas-4 y media ng hapon noong nakaraang Huwebes.

Sinabi ni Brig. Gen. De Leon na inutos ni Judge Joeferrson Toribio ng Tarlac City Family Court Branch 11 na huwag makapagpiyansa ang akusada sa tatlong kaso ng rape na isinampa sa kanya.

Sinabi din ng naturang husgado na maaari naming makapaglagak ng kaukulang P1 milyon na piyansa ang suspek para sa limang bilang ng acts of lasciviousness na kinakaharap niya.

Ayon kay Brig. Gen. De Leon, nag-ugat ang paglabas ng warrant of arrest sa akusado sa reklamo ng isang menor de edad na babae at kanyang ina. Tinulungan ang mag-ina ng mga miyembro ng Tarlac City Police Station sa pagsasampa ng mga kasong criminal laban sa akusado noon ika-10 ng Abril 2023.

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Tarlac City Police Station jail, Hinihintay pa ng PNP-IMEG ang paglalabas ng opisyal na jail commitment order laban sa suspek bago siya ilipat ng kulungan.

AUTHOR PROFILE