Posas

Ex-cop tinubo ng lasing

April 14, 2024 Jojo C. Magsombol 43 views

ISANG dating pulis ang muntik matodas dahil sa dalawang hataw ng tubo sa ulo ng lasing sa Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas noong Biyernes.

Residente ng 38 P. Laygo St., Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas ang biktima na si Emmanuel Angelo Umali, 48, ayon sa Lipa City police.

Kinilala ang suspek sa pamamalo na si alyas Jay ng Lipa City, Batangas.

Ayon sa report, dakong alas-11:20 ng gabi nang dalhin sa Lipa City police station ang naarestong suspek ng mga miyembro ng patrol kaugnay ng insidente.

Base sa imbestigasyon, alas-10:20 ng gabi habang nagmemeryenda malapit sa convenience store ang biktima ng balaan ng lasing habang sumisigaw.

Nagalit ang suspek at kumuha ng tubo sa kanyang tricycle at pinalo ng dalawang beses sa ulo ang biktima.

Nagtamo ng mga sugat ang biktima at dinala sa San Antonio Medical Center ng kanyang kaibigan habang inaresto ng mga pulis ang suspek na rumesponde sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang ginamit sa pamamalo na steel pipe.

AUTHOR PROFILE