Default Thumbnail

Ex-convict itinumba sa Tondo

January 4, 2022 Jonjon Reyes 427 views

MALAKI ang hinalang may kaugnayan sa droga ang ginawang pagpatay sa isang 36-anyos na ex-convict makaraang barilin ito mula sa isang hinihinalang lulomg sa droga habang nagsilbing lookout ang kasama nito sa Parola Compound sa Tondo, Manila, Martes ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktima si Leojomel Cañosa, ng Gate 50 Parola Compound.

Si Cañosa ay nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib,.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Marvin Juego,34,at Darwin Dosal pawang residente ng Gate 54,Parola Compound.

Batay sa ulat ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 2 a.m. nang maganap ang pamamaril sa Gate 54.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Felisa Bergoro,noong Agosto 2020,ay lumaya ang biktima sa Manila City Jail matapos masangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Naglalakad umano sa lugar ang biktima nang malapitang barilin ng isa sa dalawang suspek.

Unang nadakip si Juego sa ginawang follow-up operation sa pangunguna ni P/ Lt Adonis Aguila, hepe ng MPD – Homicide Section.

Si Dosal ay nahuling mga operatiba ng MPD Delpan Police Station 12.

AUTHOR PROFILE