Default Thumbnail

Lolo arestado sa pag-molestiya ng 13-anyos na anak-anakan

January 4, 2022 Melnie Ragasa-limena 314 views

INARESTO ng pulisya ang isang 61-anyos na obrero makaraang pagsamantalahan umano ang 13-anyos na anak-anakan sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi

Sa naantalang report ng Anonas Police Station PS-9, ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 8:10 p.m. (January 2) ng mangyari ang umano’y pagmolestiya sa dalagita sa loob ng kanilang tahanan sa Malantik, Pook Amorsolo, Brgy. UP Campus.

Batay sa imbestigasyon PCMS Mylen T Pamonag ng Women and Children’s Protection Desk ng PS-9, natutulog umano ang biktima nang patungan ng suspek.

Nagising ang dalagita at nagmakaawa sa suspek subalit puwersahan pa ring tinanggal ang kaniyang saplot sa katawan hanggang sa tuluyan nitong mairaos ang krimen.

Pinagbantaan umano ng suspek ang dalagita na papatayin ang kaniyang nanay kapag nagsumbong ito. Nang makalabas ng bahay ang biktima ay agad na nagsumbong sa kanilang mga opisyal ng barangay at binitbit ang suspek.

Nang malaman ng ina insidente ay ipinakulong nito ang suspek.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 (sexual assault) na may kaugnayan sa RA 7610 laban sa suspek.