Default Thumbnail

Empleyado natagpuang tadtad ng bala sa Batangas

November 5, 2023 Jojo C. Magsombol 213 views

ISANG empleyado ang natagpuan ng mga residente sa isang bakanteng lote sa Bgy. Gulod Labac, Batangas City na tadtad ng tama ng baril noong Biyernes.

Ayon sa Batangas City police, empleyado ng JG Summit, ng 15 Session Road Talanay Area-C Batasan Hills, Quezon City at kasalukuyang naninirahan sa Gulod Labac ang biktima.

Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-7:30 ng umaga noong Nob. 3 nang i-report ni Eduardo Andal Untalan kay PSSgt. Jaypee Ilagan.

Ayon kay Untalan, nakita niya ang bangkay habang naglalakad siya sa bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay.

Ayon sa mga imbestigador, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan ng biktima. Wala pang lead ang mga pulis tungkol sa suspek sa pagpatay.

Isinugod ang biktima sa ospital sa Batangas City ngunit idineklarang patay na bandang alas-7:45 ng umaga ni Dr. Virgilio Pascual.

AUTHOR PROFILE