DZMM

DZMM AT MOR, BABALIK SA ERE?

May 8, 2023 Vinia Vivar 618 views

Malakas ang usap-usapan na may malaking pasabog na magaganap sa radio industry.

May mga naglalabasang blind item kasi na may malaking kumpanya na nakipag-sanib-puwersa sa ABS-CBN para sa pagbabalik ng nagsara nilang radio station.

Muli kaya nating maririnig ang mga boses ng mga sikat na personalidad sa DZMM? Kasama kaya ang MOR FM?

Ayon sa isang reliable source, nakatakda nang magkaroon ng contract signing para sa partnership na ito.

If true, napakagandang balita nito dahil tiyak na sisigla na naman ang larangan ng radyo ‘pag nagbalik sa himpapawid ang DZMM o kaya ang MOR FM.

‘Yan ang dapat abangan!

AUTHOR PROFILE