JLC

Pang-iisnab nina Lloydie at Bea sa kasal ni Direk Cathy, nilinaw

May 8, 2023 Vinia Vivar 191 views

Marami ang nagtataka kung bakit wala sa kasal ni Direk Cathy Garcia sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Matatandaang last May 2 ay ikinasal sina Direk Cathy at cinematographer Louie Sampana sa isang intimate beach wedding na ginanap sa isang resort sa Zambales.

Dinaluhan ito ng ilang Kapamilya stars na karamihan ay nakatrabaho ng direktora tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Ian Veneracion, Janus del Prado, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Kapuso actor Alden Richards at iba pa.

Pero kapansin-pansin na wala sina Lloydie at Bea na ilang beses nang nakatrabaho ni Direk Cathy kabilang na ang blockbuster movie na One More Chance.

Imposible raw na hindi invited ang dalawa.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibinalita na invited sina Lloydie at Bea pero hindi nakarating ang dalawa.

Si Bea, nataong may rehearsal ng musical play niyang Larawan. Nagri-rehearse raw with the orchestra ang aktres kaya hindi pwedeng umabsent.

Si Lloydie naman, nakaplano talagang pumunta pero nagkaroon ng last-minute emergency involving his son, Elias, kaya hindi na tumuloy pa.

Marami nga raw ang nagtampong artista dahil hindi naimbitahan sa nasabing kasalan. Pero talagang piling-pili lang ang invited stars dahil very intimate ang wedding at makikita naman sa mga larawang lumabas na iilan lang ang mga naroroong arstista.

AUTHOR PROFILE