Default Thumbnail

Drug suspek tiklo sa ‘panghahalay’ ng 2 minors

July 21, 2022 Gil Aman 321 views

ARESTADO ang 40-anyos na drug suspect at umano’y “addict” matapos pagtripang halayin ang dalawang menor de edad na batang babae at isang lalaki kapalit diumano ng kanyang ibibigay na pera makaraang maaktuhang isinasagawa ang krimen sa ilalim ng isang tulay sa Barangay Ilaya Del Sur, Paete, Laguna Miyerkules ng hapon.

Ayon kay P/Capt. Kelvin Kim Sauro Zita, hepe ng Paete Police, ang suspek ay residente ng nasabing barangay.

Narekober din sa suspek ang isang sachet ng shabu kung saan isinailalim rin ito sa drug test habang sinampahan na sa piskalya ng karampatang kaso.

Kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) at R.A 7610 (Child Abuse Law) matapos nitong gawan ng kahalayan ang 8-anyos na biktimang batang babae at ang batang lalake naman ay nasa sampung taon gulang.

Sa inisyal na ulat, naganap umano ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ng lapitan ng suspek ang mga biktima na sumama sa kanya sa ilalim ng isang tulay malapit sa Magdalena Rural Bank at pinangakuan na bibigyan ng pera.

AUTHOR PROFILE