Frasco Tourism Sec. Christina Garcia Frasco

DOT, Sec. Frasco pinuri sa paglikom ng P72B ng dive industry noong 2023

March 5, 2024 Mar Rodriguez 184 views
Madrona
Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism sa Kamara

IKINAGALAK ng House Committee on Tourism ang muling pagdaraos ng Department of Tourism (DOT) ng Philippine International Dive Expo (PHIDEX) 2024 sa World Trade Center Metro Manila (WTCMM).

Nakalikom ang dive tourism ng P72 billion noong nakaraang taon, ayon sa report.

Pinuri ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism sa Kamara, si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa matagumpay na pagdaraos ng PHIDEX na nagpo-promote ng dive tourism ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Madrona na kahanga-hanga ang mga inisyatiba ng DOT para maisulong ang Philippine tourism dahil hindi lamang ang mga magagandang tanawin ang pino-promote ng ahensya kundi ang 500 species ng mga corals at 2,000 species ng iba’t-ibang isda.

Ayon kay Madrona, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng PHIDEX noong 2023 at ngayong taon, makikita ang potensiyal ng “dive tourism” bilang “revenue generating initiative” na maaaring dayuhin ng mga foreign at local tourist na lalahok sa nasabing okasyon.

Dahil dito, naniniwala ang kongresista na maituturing na isang “treasure chest” ang PHIDEX dahil hindi lamang nito pino-promote ang yamang dagat ng Pilipinas bagkus ang potensyal na pagkukuhanan ng malaking ganansya na makakatulong sa ekonomiya.

AUTHOR PROFILE