Yandong

DongYan, masaya para sa DenJen

October 30, 2021 Ian F. Fariñas 258 views

KAHIT nagbabakasyon ang pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang sosyaling beach resort, updated pa rin ang Kapuso primetime king and queen sa mga balita sa showbiz, specifically, ang engagement ng kapwa GMA artists na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Matapos ang announcement ng engagement at ang pag-amin sa tatlong buwang pagbubuntis ni Jennylyn, parehong nag-post sina Dong at Yan ng IG Stories congratulating the couple.

Pagbati ni Yan, “Congratulations Jen and Den… Jen pinag uusapan pa lang natin eto ngayon eto naaaa yaaay! Masaya ako para sa inyong dalawa!”

Sabi naman ni Dong, “Congratulations Brader @dennistrillo And @mercadojenny.”

Matatandaan na nagkasama na sina Dong at Dennis sa Kapuso series na Cain at Abel noong 2018.

That time, naging vocal si Dennis sa pagsasabi na hanga siya sa magandang pamilya ni Dingdong. Sa isang interbyu, sinabi pa ni Dennis na, “Gusto kong tularan ’yung career niya kasi alam kong pinaghirapan niya ’yun kung nasaan man siya ngayon. Marami siyang magagandang ginagawa, ’yung mga foundation niya. Gusto ko rin magkaroon ng isang beautiful, magandang pamilya na tulad ng sa kanya.”

AUTHOR PROFILE