Denjen

DenJen, muntik pumatol sa surrogacy

October 30, 2021 Vinia Vivar 297 views

Denjen1Dalawang magandang balita ang ibinahagi ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo last Friday night.

Ang unang good news, engaged na sila. At pangalawa, nagdadalantao nga si Jen sa first baby nila.

Sa 24 Oras unang nagsagawa ng announcement ang showbiz couple at pagkatapos nito ay ipinost ni Jen sa kanyang YouTube channel ang proposal video na as we write ay nasa 1.7 million na ang views.

Naganap ang proposal ni Dennis noong October 8 sa bahay lang nila dahil na nga rin sa hindi raw pwedeng lumabas si Jen because of her condition.

Sa proposal video ay makikitang nag-iyakan na ang dalawa hindi pa man nagpo-propose officially si Dennis.

Tinawag niya si Jen at naupo muna sila sa dining table at seryosong kinausap ang girlfriend bago tanungin ng “Will you marry me?”

“Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito,” emosyonal na sabi ni Dennis habang hawak ang kamay ni Jen.

Napaiyak na rin ang aktres habang patuloy si Dennis sa pagsasalita.

“Iniisip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon. Pero siniguro ko muna na talagang kapagka nangyari ‘yun, ito na ‘yung best version ko,” patuloy ni Dennis.

“Salamat lang talaga at dumating ka ulit sa buhay ko. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng pagmamahal na katulad ng ibinigay mo sa ’kin. Kasi talagang sagad at ramdam na ramdam ko ‘yun.

“Ikaw lang ang gusto kong makasama, ikaw at ‘yung bagong addition sa pamilya natin. Isa ‘yung sa mga pangarap ko. Matutupad lang ‘yung mga pangarap na ‘yun kung papayag kang pakasalan ako,” sey ni Dennis at dito na inilabas ang singsing sabay luhod.

About the pregnancy, inanunsyo nila sa 24 Oras na nine weeks or three months nang buntis si Jen at nalaman daw nila ito habang nagti-taping ang aktres ng Love, Die, Repeat.

Sa Twitter ay humingi ng dispensa si Jen kung bakit ngayon lang nila inamin ang pregnancy.

“The secret is out. Engaged na kami at I’m 3 months pregnant. Pasensya na bessies ngayon ko lang nasabi. Hinintay ko kasi yung 3rd month,” tweet ng aktres.

Sunod niyang tweet, “Dennis may not be my first love, but he is my greatest love.”

Ibinunyag din ng aktres sa Twitter ang mga hirap na pinagdaanan bago siya nabuntis to the point na inisip na nila ang surrogacy.

“Nakailang fertility treatments rin ako mula ’Pinas hanggang sa States. Sobrang nahirapan ako to produce eggs, but after all those treatments we got one perfect embryo. May surrogate na kami but it was destiny na gusto ni baby na ako ang madala,” tweet ni Jen.

BISTEK, ‘MICHAEL RAY AQUINO’ SA SENADO

Tila matagal nang kakilala ni dating Quezon City Mayor at ngayo’y senatorial aspirant na si Herbert “Bistek” Bautista ang Presidential candidate niya na sa May 2022 elections na si Sen. Ping Lacson.

Sa nakaraang Online Kumustahan sa Rizal kasama ang ilan pang senatorial aspirants na sina Paolo Capino at Dr. Minguita Padilla, ikinuwento ni Bistek ang pelikulang ginawa niya noon kasama si Rudy Fernandez, ang Ping Lacson Story.

Sa naturang pelikula, si Rudy ang gumanap na si Lacson, noo’y isang top cop at crime buster, habang si Bistek naman ang sidekick at trusted man ni Rudy bilang si Michael Ray Aquino.

Sa tunay na buhay, isa ring alagad ng batas si Michael Ray at talagang pinagkakatiwalaan ni Ping sa mga operasyon para sugpuin ang mga kriminal tulad ng mga kidnapper.

“Kaya tingin ko po pagka naging presidente si Ping Lacson, ang kaniyang pinagkakatiwalaan na si Michael Ray Aquino, ako pa rin po ang gaganap nu’n sa Senado,” sabi ni Bistek.

Bumilib din si Sen. Ping sa husay ng kaalaman ni Bistek sa mga problema ng bayan na kailangan lutasin tulad sa alokasyon ng pondo sa local government units at maging sa agrikultura — tulad ng coco levy fund at pagbaha ng imported na mga gulay at bigas.

Para kay Bistek, si Lacson ang dapat na maging pangulo dahil ito ang may pinakamalawak na karanasan sa pamamahala sa lahat ng mga kandidato.

AUTHOR PROFILE