Derek

DEREK AT ELLEN SA ISYU NG APELYIDO NI ELIAS: WE WILL TAKE LEGAL ACTION

October 30, 2021 Ian F. Fariñas 234 views

NAGBABADYANG maghain ng demanda ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna kaugnay ng isyung lumabas na hindi ipinagamit ni Ellen ang apelyidong “Cruz” sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Sa Instagram naglabas ng saloobin kahapon si Derek na nagbantang, “We will definitely take legal action on this! Don’t ever attack my family.”

Si Ellen naman, may IG Story kung saan inilabas niya ang kabuuang litrato ng wedding invitation nila ni Derek na nakalagay ang buong pangalan ni Elias (Elias Modesto Adarna Cruz) bilang ring bearer.

Giit ng sexy actress, “… attack my family, you know what’s up. This is non negotiable” sabay lagay ng hashtag na #fakenews.

Maging ang legal counsel ng would-be couple na si Atty. Joji Alonso, nag-post ng paglilinaw sa sariling socmed account.

Sinabi ng abogado na, “To set the record straight. Just because someone posted part of the wedding invitation — doesn’t mean that Elias’ family name is not Cruz. So here is a photo of how his full name is spelled out in the invitation.”

AUTHOR PROFILE