Bea

Dominic nag-like, pero nabura sa post ni Bea

April 3, 2024 Aster Amoyo 113 views

SA Instagram account ni Bea Alonzo, nag-upload ang Kapuso actress ng ilang larawan ng kanyang mga kaganapan nitong nakaraang buwan.

“Thank you, March,” aniya sa caption.

Kabilang sa mga litrato na ipinost ni Bea ang isang solo picture kung saan maikli na ang kanyang buhok, at mga pictures sa birthday celebration ni Johnny Manahan o Mr. M., kung saan ay kasama ng aktres ang ilang mga co-stars na mga alaga ng starmaker.

Nang una itong i-post ni Bea, napansin ng ilang netizen na nag-like ang aktor na si Dominiuc Roque na alam naman ng lahat na dating (?) boyfriend ni Bea. May mga comment agad ang netizens.

“At least nakita ko first post naka like si Dom,” sabi ng isa.

“Ang saya ng beadom [heart] ko!” sabi naman ng isang netizen.

Pero hindi nagtagal, nawala na ang comment ni Dominic. Kaya naman nalungkot ang mga tagahanga ng dalawa. Palaisipan sa marami kung bakit nawala ang comment ni Dominic sa post ni Bea.

Noong Pebrero, nag-release ng statement ang BeaDom na tinatapos na nila ang kanilang engagement na naganap noong July 2023. Nagplano sila ng kasal ngayong taong ito pero hindi natuloy.

May mga tsismis na tahimik na nagkabalikan ang dalawa.

Jon hindi tumitigil sa training para sa ‘Black Rider’

PATINDI nang patindi ang action at drama sa GMA Prime series na Black Rider kaya naman, puspusan rin ang paghahanda ng mga bida nito, kabilang na si Jon Lucas, sa training at conditioning nila para sa serye.

Ayon kay Jon, isa sa mga preparation niya para para sa action scenes nila ay mag-training.

“Unang-una po, kapag nag-alok sila ng training, lalo na ‘yung fight directors po natin, ‘yung mga coach po natin on-set, kapag nagpapatawag sila ng training, hangga’t maaari po ay aattend ka talaga,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor ay kahit na nagba-boxing na siya noon at may alam nang mga suntok at forms, meron pa ring hindi naituturo sa sport na kailangan sa TV.

“Pagdating sa telebisyon, para mas maging makatotohanan, kailangan cinematic din ‘yung suntok na hindi po naituturo ‘yun sa boxing. Kaya doon ko nalaman na marami pa pala akong dapat matutunan, lalo kung gagawa po tayo ng mga action, hindi po ‘yung personal knowledge mo na natutunan mo sa labas ng paggawa ng action.

“Mas kailangan talaga stamina, mas kailangan ‘yung proper breathing para hindi rin po agad napapagod kasi maraming shots, so kapag alam niyo po ‘yung technique, medyo nababawasan ‘yung pagod.”

Isang complete package si Raffy para kay Mariz

NAKAKUHA ng pagkakataon ang Kapuso journalist na si Mariz Umali na tanungin ang kanyang asawa at kapwa mamamahayag na si Raffy Tima tungkol sa pagkakaroon ng anak sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaan na 12 taon nang kasal sina Mariz at Raffy at naghihintay na mabibiyayaan ng supling.

Unang nagtanong si Mariz sa kanyang mister na si Raffy: “Kung sakali ba na hindi na tayo magkaanak, okay pa rin ‘yun?”

Sagot ni Raffy: “Of course, okay lang ‘yun. Kasi, unang-una bilang si Mariz Umali, marami na siyang na impluwensyahan, marami na siyang anak. Marami siyang na-influence dun sa kanyang magandang buhay, so ang dami naming tinuturing na mga anak-anakan at we’re very proud of them. Mga naging kaibigan na namin sila.”

Bumawi naman ng tanong si Raffy kay Mariz: “Ano ‘yung nakita mo sa akin na ako ‘yung pinili mo?”

Sagot ni Mariz: “Natatalinuhan ako sa kanya pero I didn’t know na sobrang funny rin pala niya. So, parang it’s a complete package, everything that I need, everything that I want and everything that I hoped for and I prayed for, nasa kanya.”

Bukod sa 24 Oras, mapapanood si Mariz tuwing umaga bilang host ng morning show na Unang Hirit sa GMA habang tuwing tanghali naman si Raffy sa news program na Balitanghali sa GTV.

AUTHOR PROFILE