Dominic

DOMINIC BURADO NA SA IG NI BEA

April 14, 2024 Vinia Vivar 63 views

Nalulungkot ang fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil binura na ng aktres ang mga larawan nila ng ex-fiance sa Instagram.

Wala na rin ang posts niya about Dom noong sila pa pati na ang sweet photos nila sa mga bansang pinuntahan nila.

Pati ang official statement tungkol sa kanilang hiwalayan ay deleted na rin.

Tsinek namin ang IG ni Dom at naroroon pa rin naman ang mga larawan nila ng ex-fiancee.

Natsek din naming nananatili silang naka-follow sa isa’t isa.

Kaya lungkot na lungkot ang BeaDom fans na umaasang may balikan nang naganap sa dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Oh no, this is it, deleting Dom from all her posts, move on na rin kaya tayo.”

“Sana burahin mo narin yung mga vlog nyo ni Dom sa YTC mo tutal binura mo na lahat yung mga pic at video nyo sa IG mo.”

“Nakkapagod ipaglaban to si bea hayaan mo na to sa nanay nya.”

“Kakasad naman bat wala na mga pic ni Sir Domz @dominicroque.”

“Pero sobra ako na sad lahat ng pics Nila ni dom sa insta niya burado na napansin niyo ba?”

AUTHOR PROFILE