Vice

Vice nanigurong ’di pupuslit ang mga bisita sa b-day party

April 14, 2024 Vinia Vivar 72 views

Bilang selebrasyon ng kanyang ika-48 na kaarawan ay nagkaroon ng bonggang party si Vice Ganda last Saturday sa isang resort sa Nueva Ecija.

Ethereal-themed ang party na dinaluhan ng friends and colleagues niya kabilang na ang kanyang co-hosts sa It’s Showtime na sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Castillo, Ogie Alcasid, Karylle, Darren Espanto, Teddy Corpuz, MC at Lassy.

Dumalo rin sina Maricel Soriano, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Angeline Quinto, Bela Padilla, Awra Briguela, KaladKaren at KZ Tandingan.

Present din ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

Kung bakit sa Nueva Ecija napili ng Unkabogable Star na ganapin ang birthday party, talaga raw ginusto niya ang malayo para hindi magpuslitan ang mga bisita.

“Gusto ko talaga malayo, para wala kayong choice kundi mag-stay. Because I really want to spend this wonderful night with everyone. Ayoko nu’ng magpa-party tapos kakain tapos kanya-kanyang puslitan. Ang ending, ako na lang at si Ion ang nasa venue,” sey ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

“Sarado ‘yung daan, so walang makakauwi. Gusto ko talaga isang magdamag kasama kayong lahat. Dahil kayong lahat… mahal na mahal ko at mahal n’yo ako at kami kaya gusto kong magkakasama talaga tayo,” aniya pa.

Dagdag ni Meme Vice, hindi lang iyon birthday celebration kundi thanksgiving party na rin.

AUTHOR PROFILE