Coed Ang biktima

DLSU COED PATAY SA 14 NA SAKSAK!

March 30, 2023 Dennis Abrina 514 views
Suspek
Ang suspek.

Killer na magnanakaw nahagip sa CCTV

BUMAON ang patalim ng magnanakaw sa leeg ng coed. Naglabas-masok din ang kanyang sandata ng siyam na beses sa katawan — at apat na beses pa sa kamay at pulso — ng biktima. Bilang pagtatapos, tinakpan ng suspek ang mukha ng estudyante na kanyang kinatay na parang hayop.

Ang college student ay sinaksak ng 14 na beses ng di pa kilalang nakikilalang magnanakaw sa loob ng kanyang dormitoryo sa Dasmarinas, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Queen Leanne Daguinsin, 24, Bachelor in Computer Science graduating student sa De La Salle University, Dasmariรฑas City, Cavite, at taga- Bulilanzur, Pila, Laguna.

Ayon kay Police Col. Christopher Olazo, provincial director ng Cavite Police Provincial Office, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 4:40 p.m. nitong Martes sa loob ng kanyang dormitoryo.

Sinabi ng landlady ng biktima na nagtaka siya kung bakit hindi pa lumalabas ng kanyang kuwarto ang biktima para pumasok sa paaralan.

Panay rin ang tawag sa biktima ng kanyang mga kaklase.

Pagsapit ng hapon, napilitan na ang landlady na buksan ang silid ng biktima. Laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang naliligo sa sariling dugo na biktima at wala na itong buhay. Nakatakip ang mukha nito ng unan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nalag-alaman na nawawala ang cellphone, pera at laptop ng biktima kaya hinihinalang pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Nakita sa rin sa CCTV ang suspect na nakasuot ng asul na t-shirt, black shorts, black cap na dumaan sa rooftop ng kabilang dormitory patawid sa kwarto ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon nina Police Sergeant Elmo Caboboy at Sergeant Michael Santos, nagtamo ng 14 na saksak ang biktima.

Nagbigay na rin ng pahayag na pinirmahan ng kanilang Presidente na si Br. Francisco dela Rosa VI, FSC, ukol sa insidente.

“We turn to the God of mercy and ustice and pray for strength as we work closely with family members and anthorities in bringing justice to the senseless killing of one of our students which happened at Barangar Santa Fe, Dasmarinas, Cavite on 25 March 2023.

We have been coordinating with the City of Dasmarinas to tighten security measures through heightened police visibility and we will collaborate with the LGUs to conduct through inspections of dormitories located near the campus.

In the next few weeks, in coordination with the LGU, safety marshals from the school will be deployed off-campus in the vicinity of private dorms and other establishments frequented by students,” ayon sa pahayag. Nina ZAIDA DELOS REYES at DENNIS ABRINA

AUTHOR PROFILE