Dong1

Dingdong at Tirso, may mini-reunion sa ‘Royal Blood

April 29, 2023 Ian F. Fariñas 291 views

May mini-reunion sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at multi-awarded actor Tirso Cruz III sa upcoming GMA series na Royal Blood.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa seryeng Sana ay Ikaw Na Nga noong 2002. Nagkasama rin sila sa hit series na Endless Love noong 2010.

Ngayon, mapapanood naman sina Dingdong at Tirso bilang mag-ama sa bagong murder mystery drama ng Kapuso Network.

Ayon kay Dingdong, “Nu’ng malaman ko na makakasama ko siya sa Royal Blood, sobrang saya!”

“Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny. Iyon ‘yung pinakamahalaga kasi talagang hindi pwedeng palaging serious dahil mahirap ‘yung trabahong ginagawa. Kahit papaano, we have time to laugh and take things lightly and that’s what he provides,” dagdag pa ng Kapuso Primetime King.

Abangan ang Royal Blood sa GMA Telebabad soon.

AUTHOR PROFILE