Clara

Netizens, naaadik sa ‘Maria Clara at Ibarra’ sa Netflix

April 29, 2023 Ian F. Fariñas 426 views

Tuluy-tuloy ang success ng groundbreaking series ng GMA Network na Maria Clara at Ibarra mula nang ipalabas sa Netflix Philippines noong April 14. Nananatili itong no. 1 series sa nasabing streaming platform.

Dumarami pa ang mga nakakadiskubre at nahu-hook dito.

Komento ng ilang netizens sa Facebook page ng Netflix Philippines, “It’s a good thing Netflix has this. I heard some good reviews kaya na-curious ako. I super like Klay’s acting. Very natural lalo na ‘yung mga modern language na nadala niya sa Noli era. Umaga hanggang gabi tinapos ko lahat ng episodes. Nakakaadik kasi!”

Mag-binge watch na sa Netflix Philippines at balikan ang paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Ibarra (Dennis Trillo).

AUTHOR PROFILE