Angel

Dimples, witness sa Angel-Neil civil wedding

August 8, 2021 Vinia Vivar 550 views

DimpleAngel1Angel2Angel3Finally ay natuloy na rin ang kasalang Neil Arce at Angel Locsin pagkatapos makansela last year dahil sa pandemic.

Officially Mr. and Mrs. na sina Neil at Angel at inanunsyo nila ang magandang balita sa kanilang newest vlog titled “Lipat Bahay Gang” na in-upload last Saturday.

Sa dulo ng vlog ay mababasa ang announcement that they got married with matching wedding photos.

“Oh by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!!!” anila.

Sa wedding photos ay makikitang napaka-simple at intimate lang ng kasal na dinaluhan ng kanilang pamilya and a few friends.

It was a civil wedding held at the office of Taguig Mayor Lino Cayetano, who officiated the wedding.

Hindi nakasaad kung kailan sila ikinasal pero obviously ay naganap ito recently lang bago sumaialim ang NCR sa ikatlong ECQ.

Ang kapansin-pansin sa kasalan ay ang pagka-simple ng suot ng couple. Naka-black shirt and pants lang si Angel topped with white blazer. Si Neil naman ay naka-white shirt lang and black pants.

Take note, pareho silang naka-sneakers. Pero kitang-kita rin na masayang-masaya sila.

That same day, nag-post sa Instagram ng wedding photos ang kaibigan ni Angel na si Dimples Romana na tumayong witness sa nasabing kasalan.

“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved Mayor @linocayetano said, Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains, truly you are each other’s treasure anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!! Hhahahaha,” ang mensahe ni Dimples sa mga bagong-kasal.

Nag-post din si Angel ng wedding photos sa kanyang IG at sa kanyang latest IG Story ay makikitang kumakain sila ni Neil, “eating lechon baka with my husband. Oh my god, my husband!” sabay-tawa.

Nag-post din si Angel ang ilang pictures ni Dimples na humahagulgol sa kasalan.

Caption ng aktres ng naging usapan nila ng kaibigan, “Excuse me… are you the mother?

“Mars? Pwede ka bang mag witness? Kailangan pala hehe

“Oo naman. Anong kailangan mo? Anong isusuot?

“Kahit ano lang. jeans.

“Wala kang kwentang kausap. Di nga?

“Pants lang mars. Kung ano lang ang suot mo. Kahit naka-slippers.

“Sa harap ng mayor, naka-tsinelas?! Mag ayos ka naman!

“Ang pakiusap ko lang, let’s protect Dimples Romana at all cost Mahal na mahal ko yan.

“Salamat rin nandyan ka @papaboyetonline Thanks for taking videos kasi di ko naisip lol, labyu.”

Congrats, Angel and Neil! Best wishes!

AUTHOR PROFILE