Default Thumbnail

‘Destab plot’ laban kay Comm. Yogi, walang sustansiya

January 19, 2023 Paul M. Gutierrez 305 views

PaulBINABASA ninyo ito, dear readers, ay nasa “matulain” na Lungsod ng San Pablo, Laguna (SM Mall), ang inyong lingkod, kasama si Carlo Batalla, tagapangulo ng Crime and Corruption Watch, International (CCWI) at ang buong puwersa ng ‘Batalla Cares Foundation,’ para sa muling pamamahagi ng libre at de-kalidad na ‘wheel chair’ sa mga nangangailangan nating mga kababayan. Dadalo tayo bilang kinatawan ng National Press Club (NPC), kung saan mahigpit at matibay ang ating “alyansa” sa CCWI at kay ‘Boss Carlo’ sa nakaraang higit 5-taon na ngayon.

Ito ang pangalawang pagkakataon na magbibigay ang Batalla Cares Foundation/CCWI at NPC sa SPC ng libreng wheelchairs na umabot sa 80-piraso matapos ang matagumpay nating pamamahagi noong 2018 na ginanap din sa SM San Pablo.

At sadya yatang maraming nangangailangan ng wheelchair sa ating mga kababayan dahil mula sa original na 50-wheelchairs para ngayong araw, aabot na pala sa higit 80-wheelchairs ang dadalhin ng ‘Team Batalla!’

Sa kabuuan, lampas na sa 50,000 wheelchairs ang libreng naipamahagi ni Boss Carlo sa buong Pilipinas, sapul nang simulan niya ang proyekto noong 2017, bilang pagtulong sa mga sinalanta ng ‘Marawi Siege.’ Oh, sige nga, mga kabayan, may kilala ba kayong sikat na pulitiko at mga malalaking NGOs na nakagawa ng ganyan na walang hinihinging kapalit at kahit pa nga publisidad?

Hindi tuloy nakapagtataka na patuloy na “siksik, liglig at nag-uumapaw” ang pagpapalang natatanggap ni Pang. Carlo! Mabuhay ka at belated happy birthday!

**

Muli rin nating binabati si ex-BOC Deputy Commissioner for Enforcement, Ariel Nepomuceno, sa kanyang bagong posisyon bilang bagong administrator ng Office of Civil Defense (OCD), na siyang kritikal na ahensiya ng gobyerno sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, natural at ‘man-made.’ Pormal na itinalaga ni PBBM si ‘Nepo’ noong Disyembre 29, 2022.

Pagkaraan ng ilang ‘postponement,’ err, ‘re-scheduling,’ natuloy din ang aming “kuwentuhan” nitong Miyerkules kung saan masarap talagang balikan, ‘down memory lane,’ wika nga, ang aming mga pinagsamahan, partikular noong siya pa ang DCE sa BOC— partikular kung may hinihigop, ehek, ninamnam kang malamig na ‘San Mig Light,’ hehe.

Na sadyang “ibang-klase” ang pagkatao at karakter ni Ariel ay makikita sa katotohanan na hindi siya interesado sa isang posisyon na inaasahang magkakamal siya ng salapi— ang maging Commissioner ng Bureau of Customs.

Sa katotohanan pa nga, siya lang ang alam nating mataas na opisyal ng Aduana na boluntaryong nagbitiw sa puwesto noong 2018 dahil kontento na siyang bumalik na lang sa kanyang ‘private business.’

Ang “resulta?” Aber, alam kaya ni Comm. Yogi Ruiz na sa higit 50 aplikante sa posisyon bilang customs commissioner, “siya” ang “inindorso” ni Nepo nang matanong ng Palasyo kung “sino” ang dapat kumuha ng posisyon na tinanggihan niya?

Eh, siyempre, sa dami ng mga “umuwing luhaan” sa pagkatalaga ni Comm. Yogi, marami pa— hanggang ngayon— ang hindi lang naiinggit at nagagalit, bagkus, hindi makatulog sa pangyayari, hehehe, ayy, huhuhu!

Ang “timbre” pa nga sa atin, aba’y may plano na namang ‘destabilisation’ laban kay Comm. Yogi ang ilang mga kurimaw, naku ha!

Gagamitin umano ang isyu ng ‘non-reshuffling’ ng mga district collectors na umano’y “paglabag” sa CMTA. Ayon sa ating “bubuwit,” “ipinagbabawal” umano sa CMTA ang pananatili sa poder ng isang district collector nang higit sa 3 taon at ito ang isa sa mga “isyu” na gusto umanong dalhin ng mga “reklamador” sa Ombudsman at Kongreso, ganern?

Oh well, hindi tayo abugado at “eksperto” sa customs laws, mga kabayan. Pero “ginalugad” natin ang buong CMTA (RA 10863) pero “wala” tayong nakita na kahit isang linya doon na nagsasaad ng ‘fixed term’ para sa sino mang district collector! Kung wala, anong nilabag ni Comm. Yogi at IAG depcomm. Donato San Juan, aber?

Eh, sakaling ituloy ang ‘đemolition job’ laban kay Comm. Yogi gamit ang nasabing argumento, naniniwala tayong lalabas silang “kawawa-tawa,” hehehe! Kawawa-tawa dahil napakababaw ng inyong dahilan. Kumbaga, ‘junk food’ ito dahil walang sustansiya, ahahay!

And yes, ‘wag kayong “mainit” sa hirit ninyong reshuffle dahil sa susunod na buwan, tuloy na yan, peksman!

Abangan!

AUTHOR PROFILE