Derek

Derek at Ellen, balak magka-baby ngayong 2023

April 28, 2023 Vinia Vivar 271 views

Hanggang ngayon ay ‘di pa rin bet ni Ellen Adarna ang long hours of taping days at ito ang dahilan kung bakit ayaw na niyang tumanggap ng acting projects.

Nakausap namin si Ellen sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa Ore Central Building sa Bonifacio Global City kung saan ay isa siya sa ambassadors along with Sanya Lopez.

Kitang-kita sa kanya na masayang-masaya siya sa buhay niya ngayon sa piling ni Derek at ng kanyang anak na si Elias.

Mga endorsement na lang ang tinatanggap ni Ellen dahil hindi ito nangangailangan ng maraming oras.

“Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” pahayag ni Ellen.

Nagkataon na ayaw na rin ni Derek na mag-artista pa. Napag-usapan ba nila ang bagay na ito?

“I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na rin niya. I think, because of Covid, you know, parang he realized a lot of things,” she said.

Dagdag pa niya, “Alam mo, ibigay na natin sa kanya, kasi, ‘di ba, he’s been working so long in the industry and he’s 47, so parang pwede naman ding magpahinga at mag-enjoy. He worked hard naman din.”

Siya naman, basically ay dahil sa anak na si Elias kaya ayaw na muna niyang tumanggap ng teleserye o pelikula.

“When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there in his formative years and so, there. He’s turning five,” sey niya.

Bukod dito ay nagpaplano na sila ni Derek na magkaroon ng baby this year at siyempre, if ever na mangyari ito, gagawin niya rin dito ang ginawa niyang pagtutok at pag-aalaga kay Elias.

“So, wala pa talaga sa plano ang magbalik (sa showbiz),” she said.

Aniya ay isa na lang baby ang plano nila dahil may tig-isang anak na sila from previous relationships.

Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical that offers Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.

Matatagpuan ito sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City.

AUTHOR PROFILE