Aiko

Aiko at Jay, ’di nagpakasal sa Europe

April 28, 2023 Ian F. Fariñas 308 views

PINABULAANAN ni QC Councilor Aiko Melendez ang tsika na nagpakasal sila ng BF na si Jay Khonghun sa Paris.

Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Aiko na may ilang press people na ang nagtanong sa kanya tungkol dito.

Kaya naman minabuti niyang linawin na mandatory picture lang ang ipinost niya sa FB habang sila’y nasa Eiffel Tower.

Dagdag niya, “Hindi po totoo. Kung sakali man ako ay papalarin na ikasal muli hindi ko ito ipagkakait sa mga kaibigan ko sa media. Kasi parte kayo ng buhay ko. Hindi ako maarte katulad ng iba na me privacy eme. Una sa lahat bat ka nag artista kung gusto mo privacy? Bat ka pumasok sa public service kng privacy hanap mo? Yan ang 2 trabaho na walang ganun. Kaya di ko pagdadamot yan. Ayaw ko na din sana sumagot ng kasal kasal issue kasi nakaka offend minsan parang mas sila pa me gusto kesa sa amin ahahhahaaha! Seriously kng ikakasal ako malalaman nyo lahat yan pangako. At di ko itatapat kng kelan malapit ang eleksyon ahahahahahah! Alam na this! Di ko gagamitin ang pribadong buhay ko para sa pulitika pero meron na akong ninang at ninong. At entourage. Ang tanong me groom na ba? Ahahahha chareeeeeeeng!!!!

“Sinu sino sa tingin nyo mga ninang at ninong ko?” pabirong tanong ng aktres-politiko na sinagot naman ng netizens na pwede sina Star for All Seasons Vilma Santos at mister nitong si Ralph Recto.

AUTHOR PROFILE