Frasco

Deputy Speaker Frasco may new project sa Cebu

February 8, 2024 Mar Rodriguez 117 views

PINATUNAYAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang de-kalidad na serbisyo ng “Team Frasco” ng inilunsad ang road concreting project sa Carmen, Cebu.

Sinabi ni Frasco na inilunsad nila ang project para sa Sitio Bawos-Bawos, Brgy. Lanipga na nagkakahalaga ng P15 million.

Kasabay nito, natungo si Congressman Frasco kasama ang Team Frasco sa Brgy. Lower Natimao para sa turnover ng ipinatayo nilang covered court na nagkakahalaga ng P4 million.

Namahagi din si Frasco ng cash assistance para sa mga mahihirap na estudyante ng Lanipga Elementary School at sa mga mag-aaral ng Santican Elementary School sa Liboron at Luyang Elementary School.

Ipinaabot naman ng mga teachers at school officials ng mga nasabing paaralan ang kanilang pasasalamat kay Congressman Frasco dahil sa pagbibigay ng priority sa edukasyon.

AUTHOR PROFILE