Dennis

Dennis, never bibigyan ng bulaklak si Jennylyn

December 5, 2023 Vinia Vivar 127 views

Nagbigay ng paliwanag si Dennis Trillo kung bakit never niyang binilhan ng bulaklak ang misis na si Jennylyn Mercado.

Nag-post ang aktor ng isang video sa Instagram kung saan ay makikitang nagbibiyahe siya papuntang Benguet.

Sa caption ay sinabi ni Dennis na gusto sana niyang dalhin ang asawa niya sa nasabing lugar.

“Gusto ko sanang dalhin ang asawa ko dito. Walong oras daw ang biyahe. So freakin’ far! Am I right?” Dennis wrote.

Sa dulo ng video ay makikita na ang pinuntahan niyang lugar ay tila isang garden na punung-puno ng bulaklak.

“Buti na lang allergic siya sa bulaklak,” sey ni Dennis.

“Kaya never ko siyang binilhan ng bulaklak,” caption pa ng aktor.

Sumagot naman si Jen sa comment section at aliw ang kanyang komento.

“Buti na lang di kami sumama ikakamatay ko pala diyan,” sey ni Jen.

Turns out na may pollen allergy pala ang aktres.

Aliw na aliw naman ang netizens sa post ni Dennis at sey nila, nag-improve na ang aktor dahil hindi na ito sa banyo nagbi-video.

AUTHOR PROFILE