Alden

Alden kay Vice: It’s an honor to be here

December 5, 2023 Vinia Vivar 172 views

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood si Alden Richards sa It’s Showtime, mahigpit na kalaban ng original Eat Bulaga kung saan dating host ang aktor.

Naganap ang first appearance ni Alden sa nasabing Kapamilya show nitong Monday na agad nag-trending at pinagkaguluhan sa Twitter.

Kasamang nag-guest ni Alden si Megastar Sharon Cuneta dahil nag-promote sila ng kanilang pelikulang Family of Two (A Mother & Son Story), isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.

Tanong ni Vice Ganda kay Alden, “Anong feeling na nandidito ka sa Showtime kasama ang Madlang People ngayon?”

Sagot ng aktor, “Wala pa rin akong masabi, Miss Vice, kasi of course, aaminin ko rin naman, nanonood din naman talaga ako ng Showtime.”

Sagot ni Vice, “Kami rin naman, nanonood din naman kami sa ‘yo.”

Sey ulit ni Alden, “So, it’s an honor to be here.”

Kasunod nito ay nagsalita siya tungkol sa network war.

“Kaya rin po ako talaga nandito ngayon is to really show na tama na ‘yung ano, ‘yung network wars or the misunderstandings. Kasi isa lang naman talaga ‘yung gusto nating gawin, it’s mapasaya ‘yung mga tao, ‘yung mga nanonood sa atin,” aniya.

Inayunan naman ito ni Vice.

“Very true. Totoo po ‘yan. Alam mo, kaming lahat, kahit magkakasabay ‘yung mga programa, pinanood din naman namin ang isa’t isa. And we don’t mind, nagkikita-kita kami sa mga lugar, nagyayakapan kami,” ani Meme.

Bago ito ay natanong na rin si Alden sa mediacon ng Family of Two tungkol sa Showtime guesting at aniya ay obligasyon niyang mag-promote ng kanyang pelikula.

“When the transition of Eat Bulaga happened po from GMA to TV5, nabanggit ko naman po ‘yun, na when it comes to promo, du’n po lang ako maggi-guest sa mga noontime shows and other shows from ABS-CBN.

“Pero ang respeto ko po sa Eat Bulaga regarding to guest na walang ipo-promote or to be a guest host na walang ipo-promote, sa kanila lang po ‘yun. And itinaga ko na po ‘yun sa bato na I won’t do that in respect to them,” pahayag ni Alden.

Asked kung okay din ba siyang mag-guest sa E.A.T. sa TV5, sey ni Alden, “Kung papayagan po ako (ng GMA), opo naman, always po ‘yan.”

AUTHOR PROFILE