Deleter

‘Deleter’ ni Nadine, pasok sa MMFF

October 21, 2022 Ian F. Fariñas 635 views

NAGDIWANG ang fans ni Nadine Lustre matapos mapili ang latest Viva Films project niyang Deleter bilang isa sa eight official entries sa nalalapit na 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang nasabing techno-horror film, na mula sa direksyon ni Mikhail Red, ay pinagbibidahan din nina Louise delos Reyes, McCoy de Leon at Jeffrey Hidalgo.

Inanunsiyo na nga kahapon ng MMFF Selection Committee ang huling apat na bubuo sa walong napili mula sa 22 film submissions ngayong taon.

Bukod sa Deleter, ang tatlo pang pinalad na mapasama sa official eight ay ang Family Matters ng Cineko Productions, Inc., Mamasapano: Now It Can Be Told ng Borracho Film Production; at My Father, Myself ng 3:16 Media Network.

Una nang inanunsiyo ng Selection Committee ang first four noong Hulyo base sa script submission at ito ay ang Labyu with an Accent ng ABS-CBN Film Productions; Nananahimik ang Gabi ng Rein Entertainment Productions; Partners in Crime ng ABS-CBN Film Productions; at My Teacher ng TEN17P.

“Balik Saya sa MMFF 2022” ang theme ngayong taon kaya naman inaasahang dudumugin ng Nadine fanatics ang mga sinehan para suportahan ang kanilang “President.”

Tatakbo ang 48th MMFF mula December 25, 2022- January 7, 2023.

Sa December 27 naman nakatakdang ganapin ang Gabi Ng Parangal.

AUTHOR PROFILE