Aga

Aga, taas-kamay kay Baron

October 21, 2022 Vinia Vivar 437 views

Baron

Pati si Aga Muhlach ay hindi rin napigilang mag-post ng paghanga at papuri kay Baron Geisler sa napakahusay na performance nito sa Netflix movie na Doll House.

Sa kanyang Instagram account, ayon kay Aga, napakarami niyang iniyak at binati ang bumubuo ng pelikula.

“DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! pinahanga mo ako! Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nito.. Mabuhay kayo! D ako muubusan ng sasabihin…,” saad ni Aga sa post.

Pinuri rin ni Aga ang child actress na gumanap na anak ni Baron sa pelikula.

“@mavxproductions and that little girl! @althearuedas Amazing! You made me cry as well! You were so good all through out the movie! congratulations sa inyong lahat! Dami ko iniyak dito!

Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta take a bow! bravo!” ani Aga.

Sumagot naman si Baron sa comment section at na-touch sa papuri ni Aga. Sinabi rin niyang praying siyang makatrabaho ang aktor.

“Wow boss @agamuhlach317 coming from you, one of the people I look up to saying this, thanks for appreciating our film. To be honest… if you look closely mejo kumuha ako ng mga acting nyo mga mata and nuances. And it worked fmdahil ku mute ako ng konti Hihihihihi… Apir!! Again salamat sir and God bless Idol!!!! Praying makatrabaho kayo,” ani Baron.

Mensahe naman ni Aga kay Baron, “@baron.geisler I was in awe watching you perform! D ka bumitaw. Every scene you gave us something real. Alam na natin what we do when we work but watching you perform in this particular film… pare kaka inspire ka! Thank you for your talent. Keep up the good work. You’re a good man. All the best! Yes, let’s work soon! Again, congratulations! Slow clap.. boom.”

Sa kasalukuyan ay no. 1 pa rin sa Netflix Top 10 Movies in the Philippines ang Doll House.

WALANG PATALBUGAN

Kahit limang baguhan na sexy at beautiful actresses ang bida sa Vivamax series na Lovely Ladies Dormitory ay hindi sila nagkaroon ng inggitan o kumpetensiya sa exposure.

“I feel like in this series, there’s a reason why there’s five lead ladies. There’s no reason for us to overshine anybody,” pahayag ni Andrea Garcia.

“May sari-sarili kaming time sa show na makikita ‘yung kaseksihan and ‘yung kanya-kanyang buhay ng karakter namin. So, everybody has their time in the show.

“And ‘yung dynamics naming lima, it turned out to be genuine friendship. Na we also want them to have their time. So, ‘pag time nila, ibinibigay talaga namin,” dagdag pa ni Andrea.

Sey naman ni Hershie de Leon, hindi nila kailangang magpataasan or magpatalbugan dahil may sari-sarili silang kwento sa serye.

Inayunan ito ng tatlo pang bida na sina Yen Renee, Tiffany Gray at Julia Victoria.

Sey pa ng anak ni DJ Durano na si Yen, makikita naman sa serye na talagang nabigyan sila ng equal exposure.

Sabi ni Julia, “Pare-parehas kaming maganda, magkakaiba kami ng beauty, kaya hindi po namin kailangang magpaseksihan, magpagandahan dahil po iba-iba kami ng istorya, iba-iba po ang pinagdaraanan namin at iba-iba rin po kami ng pinaghuhugutan sa buhay.”

Tsika naman ni Tiffany, “Hindi kami nagpaangatan, ang nakikita ko is nagtutulungan kami.”

Ang Lovely Ladies Dormitory ay tungkol sa limang naggagandahang babae na nagsama-sama sa isang dormitory.

Puno ng drama, riot sa kaguluhan at punumpuno ng kaseksihan ang serye mula sa direksyon ni Mervyn Brondial na first time nagdirek ng isang sexy series.

Malapit nang mapanood ang serye sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE