Default Thumbnail

Dapat maging responsable ang PCG

February 16, 2023 Paul M. Gutierrez 269 views

PaulBAGO ang lahat, mainit at maingay na pagbati ulit ng ‘Happy Birthday!’ kay ex-NPC 2-term president, Benny Antiporda, sa kanyang kaarawan na ginanap kahapon sa National Press Club. To those who know him well, Benny is many things—friend, colleague, benefactor, adviser, and yes a dear “brother.” May God bless you more, Bentot! Mabuhay ka!

***

Naging mainit ang umano’y ginawang “pagtutok” ng Chinese Coast Guard (CCG) ng isang ‘military-grade laser’ sa isang barko ng Philippine Coast Guard PCG) na magdadala sana ng suplay sa mga ating mga sundalo na nakadestino sa ‘Ayungin Shoal’ sa South China Sea.

Ayon sa PCG, “hinaharang” (daw) ng CCG ang kanilang resupply mission kung saan “pinagpiyestahan” pa nga ng mainstream media ang nakuha nitong video clip na nagpapakita ng pagtutok (daw) ng CCG ng umano’y ‘military grade laser.’

Sa ganang atin naman, ang ating tanong: ‘military grade laser?’ Nakikita na ba ng ganitong kagamitan o mayroon bang ganitong kagamitan ang PCG at kahit pa ang Philippine Navy kaya alam nila ang kanilang sinasabi?

Kunsabagay, hindi na rin tayo nagtataka na wala man lang kahit isang reporter na kumuha ng panayam sa PCG ang nagtanong ng ganito.

Ayon naman sa Chinese Foreign Ministry sa Beijing, hindi ‘military grade laser’ ang ginamit ng CCG bagkus, isang ordinaryong ‘handheld ranging/speed measuring device’ na ang layunin ay “sukatin” ang distansiya at bilis ng barko ng PCG.

Sa pinakasimpleng paliwanag, hindi isang mapamuksang armas ang ginamit ng CCG bagkus, isang ordinaryong ‘speedometer!’

Naipaliwanag naman ni Amb. Huang ang totoong nangyari kay PBBM kaya harinawang huwag na niyang pakinggang ang “sulsol” “chuchu” sa kanyang paligid.

Sa susunod, harinawang maging mas responsable sa kanilang mga pahayag ang PCG at idaan ang ano mang reklamo laban sa China sa ‘proper channel’ na itinayo ng dalawang bansa upang mapayapang maresolba ang ano mang isyu.

Translation? Huwag agad mag-ingay sa media dahil sa dakong huli, mabibisto lang din naman ang katotohanan, hane?

Oops! Kinukumusta din pala natin ang matagal at totoong kaibigan ng NPC na si DPWH Usec. Robert Bernardo. Sa isang kumpulan ng media kahapon, “ibinibida” ni kasamang Bambi Purisima ang napakagandang ‘Christmas gift’ sa kanya ni Usec. Robert na latest model ng Samsung S7 tablet with matching keyboard pa!

Eh, wala na tayong nasabi kundi, “sana all,” hehehe!

Mabuhay ka, Usec. Robert!

AUTHOR PROFILE