Default Thumbnail

Most wanted sa Batangas tiklo sa grupo Ni Police Major Jobeth Castro!

February 16, 2023 Marlon Purification 1556 views

Marlon PurificationPUGAY kamay ang nais nating iparating kay Police Major Jobeth Castro at sa buong pamunuan ng Sta. Teresita Municipal Police Station ng Batangas Police Provincial Office dahil sa walang tigil na ginagawa nilang operasyon kontra sa mga kriminal.

Kamakailan lang ay isang report ang ating natanggap na ang suspect na nagngangalang Rafael Bancoro, miyembro ng Randy Doce Gonzales Criminal Group ay naaresto ng grupo ni Castro sa Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato.

Tama kayo sa nabasa n’yo, mula Batangas ay bumiyahe patungong North Cotabato ang grupo ni Castro upang hulihin si Bancoro na 21 taon nang pinaghahanap ng mga alagad ng batas.

Katuwang ng grupo ni Castro sa pag-aresto sa suspect ang ilang pulis mula sa Kabacan Municipal Police Station, Intelligence Group ng Batangas PPO at Police Regional Office (PRO) 4a.

Si Bancoro ay itinuturing na isa sa mga Most Wanted sa Ala-Eh province dahil sa kasong murder at iba’t iba pang krimen na kinasasangkutan nito.

Ang Randy Doce Gonzales Criminal Group na kinaanibang miyembro ng suspect ang isa sa mga sinasabing dahilan ng matinding holdap, robbery at kahit pagpatay sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Nabatid na isang impormante ang nagbigay ng tip kay Castro hinggil sa kinaroroonan ng suspect dahilan upang hindi na magsayang ng oras ang mga taga-Sta. Teresita Muncipal Station upang magsagawa ng agarang police operation.

Ang suspect ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Regional Trial Court Executive Judge Benjamin Martinez, ng fourth judicial region ng Branch 86 ng Taal, Batangas.

Si Bancoro ang ika-25 wanted person na naaresto ni Castro sa loob ng dalawang taon, ayon pa sa report.

Dahil dito, mismong si Batangas Provincial Director Col Pedro Soliba ang nagpaabot ng papuri at paghanga hingil sa kagalingan, katapangan at katapatan sa tungkulin ng kanyang mga tauhan.

Nang tanungin, buong mapagkumbabang sinabi ni Castro sa media na ang pagpursigi nila na mahuli ang mga wanted criminal ay bilang pagtalima sa kautusan nina PRO4a director Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., at ni Col. Soliba.

Prayoridad aniya ito ng kapulisan upang manatiling maayos at ligtas ang mamamayan sa kanilang nasasakupan at mabigyang hustisya ang mga nabibiktima ng mga criminal.

Sa magagandang accomplishments ng mga operatiba ni Gen. Nartatez, sigurado ko namang pati siya ay magiging proud sa kanyang mga tauhan.

Si Gen. Nartatez, Tateng kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ay isa sa mga respetadong heneral ng Philippine National Police ngayon.

Congrats sa PRO4a at sa Batangas PPO.

In fairness naman kasi talaga, mula nang umupo si Tateng sa PRO4a, wala masyadong malalaking krimen ang nagaganap sa buong CALABARZON. Higit na nakaka-impress ay ang mga ‘accomplishments’ ng PRO4a ngayon dahil siyempre sa maayos na pagtimon ni Gen. Tateng Nartatez.

Ibig sabihin, maayos ang ‘performance’ at liderato ng magiting na heneral na dapat nating hangaan at papurihan.

Saludo ako kIna Gen. Tateng, Col. Soliba, Major Jobeth Castro at kudos din sa buong tropa ng PRO4a!

Keep up the good work, mga Boss Tsip!!!