Dani

Dani, nag-sorry kay Alex

January 26, 2023 Ian F. Fariñas 209 views

NAGSALITA na si Dani Barretto sa isyu ng icing-smearing incident ni Alex Gonzaga at sinabi niyang nagsisisi siya dahil nakasakit siya sa pag-a-upload ng controversial birthday video.

Sa panayam ng press kay Dani sa katatapos na thanksgiving party ng Luxe Beauty and Wellness Group sa Enderun Tent, sinabi niya na wala siyang intensyon na makasakit kay Alex lalo pa nga’t birthday nito.

Kaya nga raw siya nanahimik dahil ayaw na niyang palakihin pa ang isyu dahil close at mahal na mahal ng pamilya niya ang mga Gonzaga and vice-versa.

Ayon pa kay Dani, siya ang unang nag-reach-out kay Alex para mag-sorry.

“I apologized to her first,” paliwanag niya.

Nakiusap din siya na sana ay mag-move-on na ang lahat sa kontrobersiyang ito.

Giit niya, “Okay po kami ni Alex, wala po kaming ill feelings towards each other po.”

AUTHOR PROFILE