Danao Pinangunahan ni NCRPO chief, Police Maj.General Vicente D. Danao Jr. ang paglalagay ng rango sa balikat ni PLt.Col. Rodel Borbe sa MPD Headquarters. Kabilang sa mga na-promote sina PLt. Col. Garman G Manabat at PLt. Col Rix S Villareal ng MPD. Kuha ni JON-JON REYES

Danao pinuri 8 pulis na bagong promote

October 10, 2021 Francis Naguit 911 views

WALONG kabilang ang mga official ng Manila Police District ang napromote bunga ng kanilang kasipagan at dedikasyon sa kanilang tungkulin.

Kinilala ang walong opisyal na na-promote na sina PLt. Col. Randy C Moratalla, ng SPD; PLt. Col. Rodel B Borbe, MPD; PLt. Col. Julie Ann N Baloran, RHQ: PLt. Col. Eric V. Reverente, RHQ: PLt. Col Carolina I San Pedro, QCPD; PLt. Col. Garman G Manabat, MPD; Pt. Col. Ryan Jay E. Orapa, RHQ at PLt. Col. Rix S Villareal, MPD.

“Sana ay mapanatili ninyo ang pagiging leader at pagiging mabuting halimbawa sa ating kapulisan,” ani NCRPO Chief Police Maj.General Vicente D.Danao Jr,.na siyang nanguna sa pangangasiwa ng oath-taking at Donning of Ranks na ginanap sa NCRPO Camp Bagong Diwa sa Bicutan,Taguig.

Nagpaabot naman ng pagbati si Manila Police District Director Police Brig.General Leo ‘Paco’ M. Francisco sa kanyang mga kapulisan na nakatangap ng mga bagong rango.

Hinikayat ni Francisco ang mga bagong promote na pulis na ipagpatuloy ang kanilang mga magagandang nasimulan upang hindi mabahiran ng kasamaan at katiwalian ang kanilang hanay bilang mga alagad ng batas. .

“Mabuhay ang MPD!,” dagdag ni Francisco.

“Nais ko ring batiin ang mga mahal sa buhay ng ating mga bagong promote na opisyal dahil sa walang sawang suporta sa kanilang mga pamilya at pag uunawa. Narating nila ang posibilidad na maging official dahil sa suporta ng kanilang mga mahal sa buhay. Lagi ninyong ibigay ang serbisyong tama, may tapang at malasakit sa sambayanang Pilipino,” ani Danao. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE