Dizon

Danao, nagsagawa ng ‘sentimental journey’ sa MPD

June 17, 2023 Jonjon Reyes 311 views
Dizon1
Pinangunahan ni MPD chief PBGen. Andre P. Dizon (kaliwa) ang ‘arrival honor’ kay P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr. (kanan), kasama si P/Lt. Col. Jonathan Villamor (gitna) matapos magsagawa ng ‘sentimental journey’ ang dating director ng MPD at masayang sinalubong ng mga kapulisan si Danao sa pagdalaw nito sa naturang himpilan. Kuha ni JON-JON REYES

MAINIT at masayang sinalubong ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang pagbisita ni Police Lieutenant General Vicente Dano Jr., commander ng Area Police Command sa Western Mindano, matapos na magsagawa ng “sentimental journey” sa pamamagitan ng arrival honor sa kahabaan ng United Nations Avenue, Ermita, Maynila, Biyernes ng hapon.

Pinangunahan ni “The Game Changer General” MPD chief Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon ang pagsasagawa ng arrival honor kay Danao, kasama si P/Lt. Col. Jonathan Villamor, bilang isang pagpupugay sa dating district director ng MPD na si Danao.

Kasabay nito nagsagawa ng paglalagda sa libro ng mga bisitang pandangal ang dating direktor ng MPD.

Bilang dating “Ama ng Pulis Maynila,” nagbalik-tanaw sa kaniyang sentimental journey si Danao at nagbigay ng mensahe sa mga kapulisan ng nasabing lungsod. Aniya, isa sa mga hindi niya makakalimutang assignment ay ang maitalaga bilang MPD director taong 2019 at itinuturing niya itong karangalan.

Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng kasiyahan si Danao sa mga kapulisan at maging sa mga non-uniform personnel sa ginawang “sentimental journey” nito sa MPD.

Lubos naman ang pasasalamat at paghanga ni Dizon kay Danao sa kanyang pagbisita at pagbibigay serbisyo bilang dating tagapamahala ng nasabing himpilan.

Si Danao ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa darating na Agosto 2023.

AUTHOR PROFILE