Default Thumbnail

Dalagita, 13, tumakas sa init, naligo sa breakwater, nalunod

March 26, 2023 Jonjon Reyes 238 views

ISANG dalagita, 13, estudyante, nakatira sa Capulong Street, Barangay 108, Tondo, ang nalunod matapos maligo sa breakwater kasama ang nakababatang kapatid na lalaki bandang 4:30 p.m. ng Sabado sa Happy Land, Barangay 105, Tondo,Manila.

Iniulat ang insidente ni Police Captain DennisTurla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section.

Naisalba pa ang biktima ng kanyang tiyuhing si John Jay. Idineklara ang dalagitang dead on arrival ni Dr. Keith Arcadio 5:27 p.m. ng Sabado sa Tondo Medical Center.

AUTHOR PROFILE