Default Thumbnail

Lola, 60, binalikan ang nasusunog na bahay, dedo

March 26, 2023 Edd Reyes 177 views

ISANG 60-anyos na lola ang namatay matapos umanong bumalik sa nasusunog niyang bahay Sabado ng gabi sa Muntinlupa City.

Kinilala ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawing biktima na si Susana Alfanta, na umano’y nakalabas na nang sumiklab ang sunog sa unang palapag ng kanilang dalawang palapag na tirahan sa 329 San Guillermo St. Purok 4, Brgy. Bayanan dakong 6:14 p.m.sa hindi pa batid na dahilan.

Ayon sa mga kapitbahay, posibleng binalikan ng lola ang kanyang apo o ilan nilang gamit.

Itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-6:19 ng gabi hanggang makontrol makaraan ang halos limang minuto bago tuluyang naapula ng alas-6:45.

Sa ulat ni F/Insp. Sheena Marie Bautista ng Muntinlupa Fire Station, dalawang pamilya na kinabibilangan ng siyam na katao ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa may P40,000 halaga ng ari-arian.

AUTHOR PROFILE