Default Thumbnail

Congrats sa QC sa paglunsad ng QC Future Ready

October 10, 2022 Allan L. Encarnacion 281 views

Allan EncarnacionNAKIKIRAMAY tayo sa pamilya ng kaibigan nating si Percy Lapid.

Walang anumang dahilan para mabigyan ng katwiran ang pagpaslang sa kanino man, lalo na sa isang mamahayag na tumutupad lamang sa kanyang trabaho.

Walang puwang ang karahasan sa isang sibilisadong lipunan.

Umaasa tayong mabibigyan ng katarungan ang pagpaslang kay Percy at sa iba pang kapatid natin sa hanapbuhay na biktima rin ng katulad ng krimen.

Muli, ang aming taos pusong pakikiramay.

***

Congtratulations sa Quezon City government sa kanilang paglulunsad ng QC Future Ready.

Hindi na maawat ang lalo pang pangunguna ng lungsod bilang business haven ng bansa dahil sa mga repormang ipinapatupad ni Mayor Joy Belmonte at ng kanyang team mula kay BPLD Chief Margie Santos hanggang kay City Administrator Michael Alimurung.

Napaka-efficient ng business permit transaction sa Kyusi na kayang gawin nang hindi kailangang umalis sa iyong negosyo.

Sila ang kauna-unahang lungsod na nagpatupad ng door-to-door business permit delivery kapag nag-apply ka online.

Sa katatapos na investors summit, mas lalong lumutang ang kapasidad ng lungsod na maging host city sa smalles hanggang sa biggest investment.

Ang QC ang richest city sa buong bansa at napakalaki pa ng potensiyal dahil sa laki ng land area.

Kapag totoong business-friendly ang mga lokalidad tulad ng QC, wala tayong nakikitang dahilan para hindi umunlad ang anumang lugar.

Pag sinabing busines-friendly, “kikil free”, makakapagbukas ka ng negosyo nang hindi ka pinipipinsala ng mga taga-business permit and licensing office.

Sana all!

[email protected]