Default Thumbnail

Congrats James Kumar, 2x Philanthropist of the Year sa Asia Leaders Awards!

November 13, 2021 Marlon Purification 546 views

Marlon PurificationMULING pinarangalan ng Asia Leaders Awards si Manjinder ‘James’ Kumar, president ng Filipino Indian Commerce and Welfare Society Inc. (FICWSI) bilang Philanthropist of the Year 2021.

Ang nakahahangang pagkilalang ito ay dalawang beses nang ibinigay kay Kumar na unang tumanggap ng Philanthropist of the Year Award noong nagdaang taon ng 2022.

“Honored, humbled and grateful for another set of Asia Leaders Awards this year,” ani Kumar sa kanyang Facebook account.

Bukod dito, ang grupo ni Kumar ay nakatanggap din uli ng Corporate Social Responsibility (CSR) of the Year Award sa isang programa na ginawa noong nagdaang Huwebes, Nobyembre 11 sa Singapore Embassy in Manila sa Bonifacio Global Center (BGC), Taguig.

“Thank you to my family for the immeasurable support, and to each and every partner who help make my goals of being of help to others, realized. I pray for guidance, strength and provision so that I can carry on the task of being able to effect change in other people’s lives even in small ways,” sabi pa ni Kumar.

Noong nakaraang taon ay parehong parangal din ang natanggap ni Kumar at ng FICWSI kung saan ay pinasalamatan nito ang lahat ng taong kumikilala at tumutulong sa kanilang layunin na tulungan ang mga kababayang Pilipino na mahihirap.

“For generations, Filipinos and Indians harmoniously live together as one community. Generosity unites us to help fill in the needs,” anang pilantropo na isa ring matagumpay na negosyante sa bansa.

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na nating naisulat si Kumar at ang grupo niya dahil sa iba’t ibang tulong na binibigay nito sa ating mga kababayan.

Hindi lamang ngayong pandemic aktibo sa pagtulong si Kumar kundi kahit noon pang nalalagay sa trahedya ang ating mga kababayan mula sa bagyo, baha, lindol at mga pagputok ng bulkan.

Maraming bahay ampunan itong natulungan mula sa pamamahagi ng libreng computers, pagpapalakas sa internet, gamit sa eskuwela, uniporme at kahit matrikula.

Ang ating kapulisan at kasundaluhan ay tinutulungan din ni Kumar sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting ayuda, gayundin sa ilang guro at marami pang sektor ng lipunan.

Kamakailan, ang FICWSI mula #HelplineForTheFrontliners nito ay nag-donate ng Level 3 ambulance sa Malunay, Quezon.

Nasundan ito ng isa pang ambulasya para naman sa mamamayan ng Cavite City.

Labis ang psasalamat sa kanya ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at Cavite City Vice-Mayor Denver Chua na malaking bagay para sa pagligtas ng maraming buhay sa lungsod.

“One ambulance at a time, is what we at FICWSI aim for. Nais naming makatulong ang ambulance na ito sa ating mga kababayan sa Cavite,” sabi pa niya.

Sa puntong ito, nais nating ipaabot muli an gating pagbati kay James at sa FICWSI.

Congrats sa inyo mga Kuya at sana dumami pa ang lahi n’yo!

Cheers!